Momoland to hold free concert in Ilocos Sur

Gov. Ryan Singsong confirmed on his Instagram page that the popular K-pop group Momoland will be performing in his hometown.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2018 11:49 AM
Momoland to hold free concert in Ilocos Sur


Photo credit: @ryansingson7/ ABS-CBN News

Isang maagang pamasko para sa mga taga-Ilocos Sur ang sorpresang pagdaraos ng isang libreng mini concert ng Korean Girls Group na Momoland.

Sa Instagram ni Gov. Ryan Singson, kinompirma niya ang magandang balitang  pagbisita ng Korean Girl group para sa libreng concert.

 

“Boom- boom! Heto na ang pinakamasayang panahon ng taon! Pasko na. At nandito sila, naging posible na ang pangarap nating makita at mapanood sa personal. Sabayan natin silang umawit at sumayaw. Ito’y espesyal na mapapanood natin para sa pagsalubong ng kapaskuhan. Maligayang Pasko sa inyong lahat,” pahayag ni Singson sa kanyang post.

Sa darating na January 25, inaasahan ang muling pag babalik Pilipinas ng Momoland para sa isang fan meeeting na gaganapin sa Araneta Coliseum.