• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Beauty Gonzalez, di daw pinapanood ang sariling show

EXCLUSIVE: Beauty Gonzalez, di daw pinapanood ang sariling show

Bakit ayaw ni Beauty Gonzalez panoorin ang kanyang sariling shows?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2018 9:10 AM
EXCLUSIVE: Beauty Gonzalez, di daw pinapanood ang sariling show


Photo credit: @beauty_gonzalez on IG

Bibida si Beauty Gonzalez sa horror film ng BG Productions na Hilakbot na ididirek ni Joey Romero. First time ni Beauty na gagawa ng horror film kaya excited siya and at the same time ay natsa-challenge din.

Nakadagdag din daw sa kanyang excitement na sa Dumaguete City na kanyang hometown sila magsusyuting ng pelikula.

Ani Beauty, “Don ako lumaki at pinanganak. Don ako nag-aral ng college and high school kaya excited akong bumalik.”

Pero may konting awkwardness din daw kapag iniisip niyang makikita siya ng mga kaibigang dadalaw sa kanyang syuting.

“Medyo nahihiya ako na awkward. Siyempre nandon lahat yung mga barkada ko tapos umaarte ako, parang ang weird. Sana hindi sila dumalaw. Hahaha!

“Ayoko rin na panoorin nila ako. I don’t want anyone watching me and actually, I don’t like watching myself. Hindi ako nanonood ng kahit anong pelikula ko. Kahit anong mga palabas ko sa TV hindi ko pinapanood,” rason pa niya.

Eh, bakit naman?

“Wala lang. Ganun lang akong tipong tao. At saka hindi ko rin lang talaga nakasanayan.”

Bakit naman itinuturing niyang big challenge ang paggawa ng horror film?

“First time ko to do horror and malaking challenge ito kasi nga challenge talaga na takutin yung mga tao na hindi sila matatawa sa akin. Kasi baka matawa sila pagka nagsalita na ako. So, exciting siya instead of natatakot ako,” sagot niya.

Fan ba siya nga mga horror movies?

“No. Ayoko ng horror,” pag-amin pa niya. “You can never let me go to a film na horror. Kaya nga sabi ng asawa ko manood na raw ako kahit isa lang. I mean, I’ve seen before pero talagang nagtatago ako.

“At saka, why will I pay something to scare me? I don’t want to be entertained that way. Ang gusto happy lang or iyak, okey, drama. Pero I wouldn’t pay something to scare me, yon yung sa akin, ha,” katwiran pa ng aktres.

Kasama ni Beauty sa Hilakbot sina Enzo Pineda, Polo Ravales, Ariella Arida at marami pang iba.