• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes on comparison with Liza Soberano: ‘Dyosa si Ate Liza compared sa akin’

Andrea Brillantes on comparison with Liza Soberano: ‘Dyosa si Ate Liza compared sa akin’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2018 9:15 AM
Andrea Brillantes on comparison with Liza Soberano: ‘Dyosa si Ate Liza compared sa akin’


Marami ang nakakapansin ng pagkakahawig ng young actress na si Andrea Brillantes kay Liza Soberano. Parang young version daw si Andrea ni Liza kung pagbabasehan ang mga photos nito na naglalabasan sa social media.

Ayon naman kay Andrea, hindi siya naniniwala sa obserbasyon ng mga tao.

“Hindi totoo, pramis, ang layo-layo,” nahihiyang pahayag ni Andrea na isa sa mga bida sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na.

Patuloy pa niyang reaksyon, “Ang ganda-ganda kaya ni Ate Liza. Siyempre, ayokong maniwala, pero sa mga nagsasabi, thank you and nakakakilig. Kasi siyempre, dyosa si Ate Liza compared sa akin.”

Bukod sa pagpo-promote ng Kahit Ayaw Muna ay abala rin si Andrea sa taping ng afternoon teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto kung saan ginagampan niya ang role ni Marga na isang malditang teenager.

Paniniguro ng dalagita, malayo raw sa personality niya sa totoong buhay ang pino-portray niyang karakter sa Kadenang Ginto.

“Ang layo, kasi ang arte-arte ni Marga. Tapos siya ay laking mayaman, spoiled, laging nagsa-shopping, laging bago yung bag, bago yung shoes. Tapos bully sa school. Basta malayo, sobrang contrast kami,” paliwanag niya.

Idinagdag din ni Andrea na hindi siya nahihirapang magportray ng mataray na role sa kanilang teleserye.

“Hindi naman ako nahihirapan na i-play siya. Nae-enjoy ko naman kasi mahilig ako sa challenging roles, mas gusto ko yung natsa-challenge ako parati.

“Kapag mas mahirap yung role, mas nadadalian ako. Weird nga, eh. Mas nahihirapan ako kapag hindi challenging yung role kasi paano ko siya mabibigyan ng something kung sobrang plain lang niya,” pahayag pa niya.

Andrea is playing the character of Ally na isang composer sa Kahit Ayaw Mo Na na pinagbibidahan din nina Kristel Fulgar at Empress Schuck under the direction of Bona Fajardo.

Palabas pelikula on December 5 mula sa produksyon ng Viva Films.