• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla organize block screening of Juan Miguel Severo movie

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla organize block screening of Juan Miguel Severo movie

Todo ang pasasalamat ni Juan Miguel Severo sa pagsuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanyang bagong pelikula, ‘Hintayan Ng Langit.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2018 8:03 AM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla organize block screening of Juan Miguel Severo movie


Photo credit: @TheRainBro on TW/ qcinema.ph

Sa isang tweet ng sikat na spoken word artist na si Juan Miguel Severo kahapon November 24, nagpasalamat siya sa malaking suporta na ibinigay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, matapos mag-organisa ang KathNiel ng block screening para sa pelikulang Hintayan Ng Langit. Ayon kay Juan Miguel, na isa ring fan ng KathNiel, “Good morning. So you know how fans organize block screenings for their idol's movies? Baliktad ang nangyari sa akin. Ang tagal ko nang fan ng dalawang ito at sila ang nag-organize ng block screening ng pelikula ko. Pakshet. I am very grateful.”

 

Nakilala ang pagkakaibigan nina Juan Miguel Severo at ng KathNiel, matapos silang mapanuod sa The Hows of Us. Si Juan Miguel ang gumanap na isa sa mga kaibigan ni Kathryn sa pelikula. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ligaya't karangalan kong makasama ang dalawang babaeng 'to. #thehowsofus

A post shared by Juan Miguel Rivera Severo (@juanmiguelsevero) on

 

Ang pelikulang Hintayan Ng Langit ay orighinal na sulat ni Juan Miguel Severo, sa direksyon ni Dan Villegas, at pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gina Pareño. Nanalo ding Audience Choice Award ang nasabing pelikula sa nakalipas na QCinema Film Festival 2018. 

 

Palabas pa din sa mga sinehan ang Hintayan Ng Langit