Jake Zyrus, engaged na

Jake Zyrus, inamin kay Darla Sauler at Jhai Ho na engaged na siya sa girlfriend na si Shyre Aquino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/26/2018 8:57 AM
Jake Zyrus, engaged na


Photo credit: @shyre.xvi on IG

Sa latest segment ng I Know Right, isang thumbs up ang isinagot ni Jake Zyrus nang tanungin siya kung engaged na siya sa kanyang girlfriend na si Shyre Aquino. 

Nahihiyang inamin ni Jake na unang beses nila itong ipinagsabi sa publiko pero, “when somebody asks of course we say it…” 

Hiniling din ng singer na wag na nilang ibigay ang date kung kailan sila naging engaged. “Regalo niyo na sa amin. Yun yung naiba sa relationship na to and I enjoy it so much. Masaya ako na alam niyo, pero masaya ako na we have some things na kami lang ang may alam," aniya.  

READ: Jake Zyrus, ibinahagi kung bakit hindi madalas magpost sa social media kasama ang girlfriend

Nang tanungin kung bakit si Shyre ang “the one,” ang sagot ni Jake ay, “this is totally different from the past. Usually sa isang relationship, first year pabebe ka pa. First month pa lang ng relationship namin naging kumportable na ako sa kanya.”

Tanggap din daw ni Shyre ng buong puso ang pagta-transition niya. “Nung time na nag-top surgery ako siya yung nag-alaga sa akin. Sinabi ko na I was going to transition… Nakilala niya ako nung Charice ako at ang sabi niya sa akin mahal kita kasi ikaw yan.” 

Nakahanap din daw siya ng pamilya kay Shyre at sa dalawa nilang aso. Kwento pa ni Jake, sa unang pagkakataon na makilala ng mga aso niya si Shyre ay maamo na daw ito kay Shyre, na never pa nangyari dati.