• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Teejay Marquez shares his experience being part of Meteor Garden in Indonesia

EXCLUSIVE: Teejay Marquez shares his experience being part of Meteor Garden in Indonesia

Teejay shares it was a big challenge for him to learn another language.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/26/2018 8:20 AM
EXCLUSIVE: Teejay Marquez shares his experience being part of Meteor Garden in Indonesia


Currently back in the country for the holidays, model-actor Teejay Marquez said he is also looking forward to representing the country in Blue Ant Extreme’s Spartan Race challenge happening next month in Malaysia. The talented actor has been undergoing rigorous training for the past few weeks to prepare himself for his very first obstacle course experience. 

Kaya ko din tinanggap na rin kasi habang andito ako meron akong campaign na nagawa. Libreng workout tapos I’ll be going din to Malaysia to race so sabi ko gusto ko. Sabi ko din kasi once I get back sa Pilipinas mag-ji-gym ako. Dito may trainer ako. Para at least makikita nila na may progress na ako. Lahat kami dito beginner. The challenge is to do the beginner’s run. May actors, may dj, may influencers," he shared to PUSH. 

"Dati naiinggit ako pag nakakakita ako ng other celebrities na nag-te-train talaga na beast mode talaga sila. So sabi ko gusto ko ng ganung klaseng adrenaline, focus, and determination. So nung in-offer yung Xtreme Quest sabi ko ito na yung chance ko para ma-channel ko lahat ng gusto ko gawin. So nag-yes na ako,” he added.

 

 

The event will be shown live on Blue Ant Extreme’s official Facebook page on December 2, Sunday which is an added motivation for Teejay to do well. 

Gusto ko lang siya i-enjoy and wala sanang disgrasya, na makita lang nila na magawa ko yun smoothly and okay. At least feeling ko ma-i-inspire ko silang manunuod. Kasi for the past few years, parang hindi ako masyadong na-push ng ganito. Alam ko na yung everyday ko, alam ko kung hanggang saan lang yung gusto ko ilabas na kakayahan. Pero dito parang nagugulat ako na parang yung mga tinatago kong lakas naglalabasan,” he said. 

Having been based abroad for the past year as part of the Indonesian version of Meteor Garden called Siapa Takut Jatuh Cinta, Teejay admitted he is still learning how to master speaking Bahasa. 

Para akong Ryan Bang dun. Diretso na ako magsalita pero yung accent they find it funny kaya parang kahit anong sabihin ko natatawa sila. Comedian ba ako? Sige na nga (laughs). Dun naman sa lessons ko sa Indonesia, nung first month ko nag-te-training ako with a tutor tapos every day kami one on one. Pero nung nagsimula na yung teleserye meron na akong private teacher sa set na tinuturo niya sa akin yung script para kabisaduhin ko yung script and in-explain niya yung situation, explain niya yung feelings and then bahala na ako kung paano ko gagawin. So nag-work naman siya all throughout. Nung kalagitnaan na ako na mismo yung nagbabasa kasi gusto nila na matuto ako along the way so sabi nila learning by experience nga raw,” he shared.

READ: Teejay Marquez, aminadong pumapangalawa lang siya sa kasikatan ni Christian Bautista sa Indonesia

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Zup ⚡️

A post shared by @ teejaymarquez on

 

When he first got the part, Teejay said his previous work experience in Indonesia was an advantage. 

Kasi since before nakagawa ako ng chance na makagawa ng pelikula dun. Yung TV network naghahanap ng F4 nga daw na bagong mukha tapos malakas yung arrive siguro and then sakto yung management ko pinitch ako since nakatrabaho ko na sa movie yung bida si Dao Ming Si. Sabi nung bida he wanted to for the role and since may following na rin and isa rin ako sa bagong mukha sa teleserye so nag-agree sila,” he explained. 

In the series, Teejay plays the role of Sean (the counterpart of Ken Zhu in the original Meteor Garden). “Nanunood naman ako nung show nung time nina Sancai pa so I had this idea of the story and sobrang excited ako nung nalaman ko yun kasi big deal dito sa atin yun. Parang ang gumagawa nun the most popular actors so thankful agad ako na na-offer yun. Nung nagsimula na mag-promo, gumawa na ako ng looktest, dun na nag-sink in na iba itong project ko ngayon, I knew it was going to be big kasi mga high end yung mga kasama ko. It finished this October kasi eight months na yun,” he stated.