Coco Martin, muling nakuha ang suporta ng PNP

Tinapos na ni Coco Martin ang gusot ng “Ang Probinsyano” at ng PNP.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2018 10:45 AM
Coco Martin, muling nakuha ang suporta ng PNP


Photo credit: @cocomartin_ph on IG

Maagang sinalubong ng aktor na si Coco Martin ang Lunes ng umaga kasabay ng kanyang naging pulong kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Kasunod ito nang naging puna ng Philippine National Police (PNP) sa “Ang Probinsyano” sa ilang eksena sa numero unong Kapamilya series.

Watch: Coco Martin speaks up on issue regarding ‘Ang Probinsyano’ and the PNP

Sa mga larawan na ibinahagi sa Instagram account ng aktor, kasama si Coco sa flag raising ceremony ng PNP at ang buong pwersa ng ABS-CBN executives.

Matandaan na bago ang pulong kay PNP Chief Oscar Albayalde, nakipag pulong na din kay DILG Secretary Eduardo Año si Coco upang ayusin ang hindi pagkakaunaawan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Joint Statement of the DILG and ABS-CBN on “FPJ’s Ang Probinsyano” @abscbnpr

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 

Sa ngayon, tuloy sa pagbibigay inspirasyon si Coco bilang aktor at direktor ng “Ang Probinsyano”.