Pepe Herrera, di nahihiya sa pagiging ‘basurero’

Nagsalita din si Pepe Herrera tungkol sa kanyang latest film na para sa male audience.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2018 9:40 AM
Pepe Herrera, di nahihiya sa pagiging ‘basurero’


Photo credits: @pepe.herrera IG

Matagal na palang gawain ng pamilya nina Pepe Herrera ang magpulot ng basura o maging garbage collector kaya hindi na bago para sa bida ng pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap ang nag-viral niyang litrato sa social media.
 
Ani Pepe, “Actually, sa pamilya po talaga namin gawain siya for a long time na. Nagsimula po do’n sa kapatid kong lalaki—siya po yung kuya ko na naglalakad na long hair na may bag.
 
“Environmentalist po talaga yung kapatid ko, naturally environmentalist po kasi talaga siya growing up.”
 
Ganun din daw ang turo sa kanila ng ina—ang magpulot ng mga basurang nakikita kahit saan.
 
“Yung mother ko po, pinalaki po niya kaming ganun, second nature po sa amin ang pagiging very maalaga sa kalikasan,” sambit pa niya.
 
Sinadya daw niyang i-post ito sa social media para talagang mas maraming makakita.
 
“Kasi meron po akong means to encourage other people lalo na ngayon. Eh, hindi naman po ako ganun na katagal sa showbiz. Siguro ngayon lang mas nalalaman ng mga tao because now that I post it and a lot of people see it,” reaksyon pa niya.
 
Going back to his latest film Ang Pangarap Kong Holdap na pinagbibidahan din nina Jerald Napoles, Paolo Contis at Jelson Bay, isang adult comedy ang pelikula na mas nagke-cater sa male audience.
 
Handa na ba siyang malinya sa ganitong brand ng comedy?
 
Sagot ni Pepe, “Wala naman po akong restrictions pagdating sa mga content na pinipili. Ang importante lang sa akin ay maganda po yung  story, so either adult o pambata tinatanggap ko po.”
 
Nagbibigay din ba siya ng inputs sa mga proyektong ginagawa?
 
“Ako, I love giving my inputs if needed and if the director or the writer asks for it. Kapag may naiisip din po ako na magandang idagdag, sinasabi ko rin po, binabahagi ko po.
 
“Pero minsan, kailangan lang mag-ingat kasi iba-iba rin po ang sensitivity ng mga artists, whether writer or director or actor, kaya kailangan ding mag-ingat sa pananalita, sa pagbibigay ng input.”
 
Ang Pangarap Kong Holdap is written and directed by commercial director Marius Talampas, who might be new to filmmaking as this will be his first full length film, but he sure has done his rounds in the commercial industry.
 
His career was kicked off by a viral video titled Yung Pula o Yung Puti, a fun video he made with his best buddy Pepe Herrera whom he has known since their high school days.
 
Showing na ang pelikula on November 29 mula sa Mavx Productions.