Gab Valenciano, nagkuwento tungkol sa bagong inspirasyon

Masaya si Gab Valenciano na ipinakilala na niya sa kanyang pamilya ang bagong girlfriend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/25/2018 11:57 AM
Gab Valenciano, nagkuwento tungkol sa bagong inspirasyon


Photo credits: @gabvalenciano IG

Hindi naging matipid sa pagbibigay ng detalye ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Gab Valenciano pagdating sa estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Pormal nang ipinakilala ni Gab sa kanyang mga magulang ang bagong inspirasyon na si Joann Santiago.

Read: Gab Valenciano gushes about his new girlfriend: “Jo is my miracle”

“Yeah actually nagpupunta na siya sa bahay. She celebrated Leia’s (Gab’s brother Paolo’s daughter) birthday na din with us. Lahat ng family functions namin kasama siya so ‘yun ‘yung for me the number one requirement. I don’t require you to give me things, parang for me family lang talaga, let’s make an effort to spend time with family,” bungad na kuwento ni Gab sa panayam ng PUSH at ABS-CBN news sa Awit at Laro album launch ni Gary Valenciano.

Dahil sa mga naging pinagdaanan sa buhay pag-ibig, hindi niya inasahan na darating sa kanyang buhay ang bagong inspirasyon.

“She’s not just an inspiration, I think she’s my redemption. I think that ‘yung legacy ko na that I will leave behind I hope I can share it with her,” aniya.

Kung tatanungin naman daw sa usapin ng muling pagpapakasal, hindi pa din isinasara ni Gab ang kanyang puso para dito.

“Honestly ‘yun nga ang sabi sa akin ng parents ko, ‘Gab you know what you want, you’re old enough ang dami mo na pinagdaanan, hindi ka na ‘yung 21 year old lang na pa-date date nalang ng kung sino-sino and at the end of the day hindi din naman magiging (kayo),’” sabi pa niya.

“Right now I’m 30 years old, I’ve been in a failed marriage, I know what’s the struggle and so parang for me to say na I really want her to be the person with this new Gab that I am, I really want that, that’s my greatest desire,” nakangiti pa niyang sabi.

Ayon pa kay Gab, extra special sa kanya ngayon ang darating na pasko dahil sa bagong inspirasyon.

“Yeah, I think this Christmas will be the funniest and the happiest, not because of everything but siyempre kung saan ako galing, kung saan ako ngayon parang ang sarap lang ng feeling,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Gab sa kanyang negosyo at nagahahanda din sa isang proyekto sa abroad.