Catriona Gray ibinida ang inspirational song sa Spotify

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/25/2018 12:39 PM
Catriona Gray ibinida ang inspirational song sa Spotify


Photo credits: @catriona_gray IG

Isang inspirational song ang inilabas ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray na “We’re In This Together” sa Spotify.
 
LISTEN: “We’re In This Together” on Spotify

Bago ang naging launch ng inspirational song, ibinahagi na ng Miss Universe Philippines ang kanyang kasiyahan para sa awitin na kanyang handog sa mga kabataan sa Tondo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We're In This Together @youngfocusph 🇵🇭 🔜 2 more days 🎶

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

Sa kabila ng pagiging abala sa nalalapit na laban ng Miss Universe, binibigyan ni Cat ng oras ang mga kabataan ng Tondo na madalas niyang pinupuntahan.

“Yes definitely, like to see the smiles on their faces and I also went to some of their houses. And you know it just give me that drive, like this is what I’m here for: to change their lives or to help change their lives,” pahayag ni Cat sa huli panayam ng PUSH sa kanya.

Kasabay ng release ng kanyang awitin ang pagbuhos ng suporta sa social media mula sa kanyang malalapit na kaibigan.

Sa ngayon, naghahanda padin ang beauty queen sa nalalapit na laban ng Miss Universe sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand na mapapanuod ang Live Telecast sa ABS-CBN.