• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuya Escort Ion Perez, hindi gagamitin ang katawan para sumikat

Kuya Escort Ion Perez, hindi gagamitin ang katawan para sumikat

Kuya Escort Ion Perez, sinabing ‘nagkakamali’ ang mga nagli-link sa kanya kay Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/24/2018 9:58 AM
Kuya Escort Ion Perez, hindi gagamitin ang katawan para sumikat


Photo credit to: @iionperez IG

Sa Tonight with Boy Abunda, sumalang sa hot seat si “Kuya Escort” Ion Perez at sinagot niya ang mga maiinit na issue tungkol sa kanya.

Sa issue na ginagamit niya ang katawan niya para sumikat, ang sagot ni Ion ay ginagawa niya lang yun sa lebel ng pagta-topless sa mga pictorial pero hindi sa iba pang bagay.

Sa issue naman na nili-link siya kay Vice Ganda, ang sagot niya ay, “nagkakamali sila kasi sobrang bait na tao ni Vice (Ganda) na hindi ko inaasahan na mapapalapit ako sa kanya, na magugustuhan din niya ang pagka-jologs ko.” 

Totoo din daw na nakakatanggap siya ng indecent proposals. “Meron po, Tito Boy, pero lagi ko pong sinasabi na hindi po akong ganung tao. Ang maii-offer ko lang sa inyo pagkakaibigan, maliban dun wala na.”

Ayon pa kay Ion, hindi niya sasayangin ang opportunity na ibinibigay sa kanya ngayon. “Gagawin ko po lahat ang kaya ko, habang nagugustuhan ako ng tao.” At ang pangako daw niya sa sarili niya ay, “’Wag gamitin ang katawan ko para sumikat.”

Hindi rin nakatakas sa sex o chocolate question si Ion at ang pinili niya ay, “sex.” Single din si Ion ngayon at ang gusto niyang babae ay probinsyana.

Nagsimula ang karera ni Ion ng manalo siyang Mr. Universe Tourism at mas napansin siya bilang “Kuya Escort” sa Miss Q and A segment ng It’s Showtime dahil na rin sa mga banter niya doon with Vice Ganda.

READ: Dating kakanin vendor, Mr. Universe Tourism 2018 na ngayon