• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, delighted to be the first Girl Scout Ambassador

Kathryn Bernardo, delighted to be the first Girl Scout Ambassador

Kasabay ng recognition ay sine-celebrate rin ni Kathryn Bernardo ang kanyang 15th year sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/24/2018 4:07 PM
Kathryn Bernardo, delighted to be the first Girl Scout Ambassador


Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang recognition bilang pinaka-unang Girl Scout Ambassador ng GSP (Girl Scout of the Philippines). Sa interview ng PUSH mula sa Chief Girl Scout Ceremony noong Biyernes, November 23, nagbigay ng pahayag si Kathryn tungkol sa pagpili ng institusyon sa kanya. 

"Nakakakilig yung feeling na 'yon na ang daming pwedeng maging face of Girl Scout (of the Philippines) yet they chose me. At first time pa sila kumuha ng ambassador actually na celebrity for Girl Scout. Sana more than just that, marami akong ma-encourage and mas marami akong makuhang bagong mga Girl Scouts lalo na yung generation ngayon. So sana maka inspire ako sa kanila, especially mga bata," pahayag ni Kathryn. 

Mahalaga para kay Kathryn na naipagpapatuloy na buhay ang institusyon sa bansa dahil aminado siya na nakatulong ang pagiging Girl Scout niya noon sa buhay niya ngayon. "For me, very important kasi growing up naging malaking part siya ng life ko... And ito yung association na grabe yung respect ko kasi ilang generations na ang dumaan pero nandiyan pa rin sila, pinaglalaban ang mga pinapaniwalaan nila. Kaya sana hindi natin sila kalimutan," sabi ni Kath. 

Kasalukuyan ding sine-celebrate rin ni Kathryn ang kanyang 15th year sa show business kaya break na muna ang aktres sa mga proyekto sa ngayon. "Alam mo di ko alam, kung (paano) ba talaga. Siguro sa December, after kasi ng The Hows of Us, di ba nag Three Words (To Forever) na ako agad. And, medyo magkasunod talaga ang work so December and January talaga pinakabreak ko for myself and my family so yun yung reward, and doon ko na rin ise-celebrate maybe," paliwanag ni Kathryn. 

Sa nakalipas na 15 years ni Kath, inamin din niya na bukas na siya ngayon sa mga solo projects na may “challenging” at “out of comfort zone” na role. "Wala akong specific na masabi kung anong role. Sana every project iba doon sa nagawa (ko) na. And hindi ko alam kung action o drama. Depende kung ano ipepresent nila, something hindi ko pa nagagawa, something na malayo sa personality ko. Something na challenging siguro and out sa comfort zone ko," pagtatapos ni Kathryn. 

Bibida si Kathryn Bernardo sa bagong pelikula mula sa Star Cinema na Three Words to Forever kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ThreeWordsToForever #FamilyIsForever

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Mapapanood ang Three Words to Forever simula November 28.