• Home
  • Fresh Scoops
  • Janno Gibbs ibinahagi ang sikreto ng matatag na relasyon nila ni Bing Loyzaga

Janno Gibbs ibinahagi ang sikreto ng matatag na relasyon nila ni Bing Loyzaga

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/24/2018 10:04 AM
Janno Gibbs ibinahagi ang sikreto ng matatag na relasyon nila ni Bing Loyzaga


Photo credit to: @bingloyzaga IG (R)

Matatag pa rin hanggang ngayon ang pagsasama nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga. Twenty-eight years na silang kasal pero aminado si Janno na minsan na ring sinubok ang kanilang relasyon.

“Saglit lang naman yon. Kinailangan lang ng konting space,” pahapyaw niyang kuwento.

Pagkatapos ng naging problema nila noon ay mas naging okey daw ang kanilang pagsasama.

“Aminado naman akong hindi perfect yung ano… madami kaming dinaanan. So, until now, nagkakaproblema pa rin kami. Constant na pag-aayos lang naman yan, eh, at intindihan,” sambit pa niya.

Sino ba ang unang nagre-reach out kapag may pinagdadaanan sila sa relasyon?

“Siyempre ako, kasi ako ang lalaki, eh. Kailangang manliligaw uli ako,” pag-amin ng singer-actor.

Patuloy niya, “Si Bing naman, hindi siya katulad ng mga role niya sa TV na matapang o kontrabida. Of course, strong yung personality niya, pero iba naman siya kapag nasa bahay.

“Siguro, what keeps us together, kami ni Bing, kahit ngayong nagkaka-problem-problem pa rin, dahil na-figure out na namin na maganda ang partnership namin.

“Example, dati, for a time naging manager ko siya, eh. Okey ang dyanamics namin. Another example, pag ngayon nagba-badminton ako, minsan kasama ko siya, magkakampi kami.

“In business, in life, maganda yung ano namin—yung give and take namin—maganda yung halo. Yung pagpapalaki sa bata, ganunan kami. Pag may galit hindi nagsasabayan.

“Strong yung character niya, ako yung medyo tahimik, so maganda yung ano namin, maganda yung dynamics namin. So I think that’s one of the things that keeps us together. Alam namin na maganda yung team-up namin.”

Ipinagmamalaki rin ni Janno na pareho nang successful sa kani-kanyang chosen profession ang dalawang anak na sina Alyssa at Gabby.

“Si Alyssa has her own clothing line. Si Gabby naman, kasi natapos siya ng make-up sa Australia, she studied professional make-up in Australia, so pagbalik niya, aside from nag-i-endorse sila ng mga products, now she works full time don sa lipstick brand nina Georgina Wilson,” kuwento pa ng proud father.