Bela Padilla, Calendar Girl na ngayon

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/24/2018 10:32 AM
Bela Padilla, Calendar Girl na ngayon


Photo credit to the owner

Mas exciting na 2019 ang haharapin ng aktres na si Bela Padilla kasabay ng pagpapakilala sa kanya ng Tanduay bilang 2019 Calendar Girl.

Sexy at glowing si Bela ng rumampa sa launching. Kuwento ng Kapamilya actress masaya siya sa naging kinalabasan ng photo shoot na nagpakita ng iba’t ibang side ng kanyang personalidad

“I feel like sa photoshoot na ginawa namin there will be different photos for every month and all of those photos represent a part of my life. So meron creative, meron babaeng babae, meron strong, meron independent. I feel like they all somehow represent me,” kuwento ni Bela.

At dahil bagong calendar girl, ramdam ni Bela ang pressure ng tinanggap ang mga sinundan na mga kababaihan ng produkto.

Kaya naman, todo ang naging paghahanda niya sa abot ng kanyang makakaya.

“Yung mga sinundan ko babae ang se-sexy eh! I did work out but I didn’t go like super out of my way because I feel like they chose me because of who I am right now. I try to stay as true as I am to myself,” sabi pa ni Bela.

Para kaya Bela, bagong definition ng sexy at modelo sa younger audience ang gusto niyang i-portray.

“What I do resonates to the millennials so I’m very careful with what I do, because I want them to see taking care of my life,” pahayag pa niya.

Bago si Bela, ilang bituin na din ang naging calendar girl ng sikat na inumin gaya nila Bangs Garcia (2009), Nina Jose (2010) Iya Villania (2011), Carla Abellana (2012), KC Concepcion (2013), Heart Evangelista (2014), Jennylyn Mercado (2015), Jessy Mendiola (2016), Ellen Adarna (2017) at Erich Gonzales nitong 2018.

Sa ngayon, looking forward si Bela sa isang Kapamilya series na magsisimula sa susunod na taon.