Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban

Jimmy Bondoc’s house was robbed by two men.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/24/2018 10:51 AM
Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban


Photo credit: @jimmybondoc IG

Nilooban ng dalawang hindi pa natutugis na lalaki ang bahay ng singer at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) official na si Jimmy Bondoc sa Barangay Pinagbuhatan, Quezon City banda 2:30 ng umaga noong Martes, Nobyembre 20.

Kinumpirma ito ng Quezon City Police District sa Inquirer.net (Singer Jimmy Bondoc’s house robbed by 2 men) at sinabing nanakaw ang ilan sa mga kagamitan ng singer katulad ng laptop at camera ng kanyang ama. Kinilala ang isa sa nagnakaw at dati daw itong empleyado ng singer.

Humingi naman ng tulong si Jimmy sa Facebook upang makilala pa ang ilang lalaking nahagip sa closed circuit television (CCTV) cameras.

“Sorry po, aabalahin ko kayo.  Nanakawan po kami. Sa mga kalapit-bahay namin, baka matulungan niyo kami ma-identify ang taong ito,” aniya.

“Please help us identify the person […] Ang dami pong nawala sa amin (We’ve lost so many things),” dagdag pa niya.