• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta at Richard Gomez, napa-throwback ng damdamin sa isa’t-isa

Sharon Cuneta at Richard Gomez, napa-throwback ng damdamin sa isa’t-isa

15 taon nang huling nagsama sa isang proyekto sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2018 11:48 AM
Sharon Cuneta at Richard Gomez, napa-throwback ng damdamin sa isa’t-isa


Napa-throwback ng mga damdamin sina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa grand media conference ng kanilang reunion movie na Three Words To Forever.

Dito, isa sa napag-usapan ang past relationship ni Shawie kay Goma noong panahon na mag-boyfriend at mag-girlfriend sila noong 1989.

“23 ako? 23 tayo. Ano ka ba, Alzheimers na ba yan? 23 ako, 23 tayo dalawa. Pareho kami ng taon,” ani Sharon kay Goma sa harap ng press.

Sa kanilang pagkakatanda, ito din daw ang huling beses na binigkas ni Goma ang I Love You kay Sharon.

“Syempre, noong panahon na yun, sinasabi ko sa kanya, ‘I love you!’ Mag-syota kami noon eh (Laughs)!” sabi pa ni Richard.

Sa kanila namang muling pagsasama sa isang proyekto matapos ang 15 taon, ramdam ni Sharon at Goma ang ilangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lake Danao in Ormoc. Unbelievably beautiful, I swear! And cool weather!

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

“Siyempre medyo uncomfortable kasi ang tagal namin di nagkita tapos parang uy! Its nice to see you again! May warm up period bago nagkakuwentuhan,” ani Richard.

“Totoo sobra. Parang strangers kasi 15 years e. Tapos mayor na siya, ang daming nagbago,” sabi pa ni Sharon.

May ilangan man kina Goma at Sharon, naka-adjust naman sila muli sa isa’t isa at sinulit ang makapag-bonding habang nasa set.

“I remember di ba, I did this to your face? (Hinawakan mukha ni Goma). Di ba I was looking at you?” ani Sharon kay Goma.

“Ampogi pa rin?” pagbibiro ni Goma habang hinahawakan ni Sharon ang kanyang mukha.

“Hindi ko naman sinabi yun. Alam naman natin lahat yun eh! Tange! Tinitignan ko ang face niya. The years have been good to us. He has aged gracefully tapos sabi ko mayor na siya dati tatay ko ang mayor!” pabirong sagot ni Sharon.

Sa darating na November 28, mapapanuod ang Three Words To Forever sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.