• Home
  • Fresh Scoops
  • Marissa Sanchez at Giselle Sanchez, itutuloy ang Rico J. Puno concert bilang tribute show

Marissa Sanchez at Giselle Sanchez, itutuloy ang Rico J. Puno concert bilang tribute show

Isang tribute show ang mapapanood sa naiwang concert ni Rico J. Puno, ayon kina Marissa at Giselle Sanchez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/23/2018 2:44 PM
Marissa Sanchez at Giselle Sanchez, itutuloy ang Rico J. Puno concert bilang tribute show


Photo credit: @gisellesanchez on IG

Tuloy pa rin ang concert na naiwan ng yumaong OPM Icon na si Rico J. Puno. Sa concert na pinamagatang Music and Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko, ipagpapatuloy ito ng mga kasamahan dapat ni Rico na sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez. Aniya, gagawing itong tribute para sa kanya. Ito ang update nila sa episode ng Magandang Buhay ngayon Biyernes, November 23.

Ibinahagi ni Giselle sa momshie-hosts ang kanilang pagkabigla sa pagpanaw ng OPM icon. “Actually nagulat kami sa pagkawala niya. In fact, doon sa press con tinanong 'yon, paano kung may mangyari kay Rico J.? Parang paano kung may mangyari? Sabi ko 'walang mangyayari, he's at the peak of his health, the doctor gave him a clean bill of health.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I will miss your naughtiness #ricojpuno ! Thank you @martinnievera @ogiealcasid @eriksantos @loveangelinequinto @mateoguidicelli @kbrosas @jessazaragoza @dingdongavanzado @jayda @reyvalera @marcosison_official @nonoyzuniga @hajjialejandro @patriciajavier1 @richreynoso @renz__verano @papin_imelda @clairedelafuente #evaeugenio @pilitacorrales @rannieraymundo @chadborja and all the stars that gave their time and talent last night. Our concert on Nov 23 @solaireresort Theater will now be a musicale entitled #TributetoRicoJ and @mateoguidicelli and @ericnicolas_21 @toscapuno @roxpuno have decided to join the group. Today is your burial #corics . Thank you for the break, thank you for making me laugh, thank you for your songs.. Goodbye my friend... đŸ˜¢

A post shared by Giselle Sanchez (@gisellesanchez) on

Dagdag ni Giselle, tila isang premonition ang huling interview nila kasama si Puno, maging ang pamagat ng kanilang concert. “Pero parang marami nang premonition kasi tinanong na 'yon, tapos 'yung title pa namin 'Sana Tatlo Ang Puso Ko' kasi kung tatlo nga naman ang puso niya ay nandito pa siya nagpa-plug.”

READ: Rico J. Puno passes away at 65

Bukod kay Giselle at Marissa, makakasama sa nasabing concert ang mga anak ni Rico na sina Rox at Tosca.

Magaganap ngayong Biyernes, November 23, ang tribute show sa The Theater at Solaire.

READ: Celebrities express grief over the passing of OPM legend Rico J. Pun