Kathryn Bernardo, nagbigay pananaw sa usapin ng kasal

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2018 11:43 AM
Kathryn Bernardo, nagbigay pananaw sa usapin ng kasal


Usapang kasalan ang isa sa nga tatalakayin sa upcoming movie ma Three Words To Forever ng Star Cinema.

Sa kuwento, magpapakasal ang karakter ni Kathryn Bernardo na si Tin na anak nina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa kuwento. Kaya naman naitanong din kay Kathryn ang kanyang pananaw sa kasal.

“Iba ibang age natin puwede pasukin ang marriage. Kasi ibang level yan sa mag BF-GF kayo. For me, kapag nakikita mo ang buhay mo na ginagawa mo ang mga bagay na yun kasama ang tao na yun, isa na yun kapag hindi mo makita ang future na wala siya,” tugon ni Kathryn sa press.

Dahil ilang linggo nag-shoot sa Ormoc, Leyte ang buong cast ng pelikula, aminado si Kathryn na na-miss niya ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Kaya nang minsan siyang bisitahin ni Daniel Padilla sa set sa Ormoc, ibang saya daw ang kanyang naramdaman noon.

Read:Daniel Padilla surprises Kathryn Bernardo in Ormoc City

“Ang tagal ko siyang di nakita eh! And parang na-recharge ako ng nakita ko siya! ‘Okay ready na ulit!’” masayang kuwento niya.

Pagdating naman sa kanyang role sa pelikula, malaking adjustment din ang kanyang pinagdaanan na wala si Daniel sa kanyang tabi.

 

“Big, big adjustment for me. Hindi ko naman sasabihin na naging madali siya. Ang tagal, six or seven years kasama ko si DJ. Alam mo yung kapag pupunta ka sa set, yung di mo siya makikita? Weird, weird siya,” pahayag ni Kathryn.

Mapapanuod ang Three Words To Forever ngayong November 28 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.