• Home
  • Fresh Scoops
  • WOW! Jed Madela, can effortlessly impersonate these OPM divas and more

WOW! Jed Madela, can effortlessly impersonate these OPM divas and more

Trending ngayon ang isang video ni Jed Madela nang ginaya niya ang boses at istilo ng pagkanta ng ilang kilalang singers.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/22/2018 12:37 PM
WOW! Jed Madela, can effortlessly impersonate these OPM divas and more


Photo credit to: @teamjedmadela IG (R)

Viral ngayon sa social media ang isang video kuha ng isang fan ni Jed Madela sa kanyang nakalipas na 15th anniversary concert sa Araneta Coliseum, noong November 16. Sa video na orihinal na in-upload ng YouTube user na Pinoy Screen and Stage, mahusay na ginaya ni Jed Madela ang boses at istilo ng pagkanta ng mga sikat na OPM Divas na sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Lea Salonga, at iba pa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@jedmadelaofficial , excited nang mapanood ng kanyang mga fans ang magiging duet nila ni @reginevalcasid #PUSHGanaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Sa video, ikinuwento ni Jed na isang beses ay sinubukan niyang imbitahin ang tatlong nabanggit na singers sa isang concert niya noon sa PICC (Philippine International Convention Center). "Wala kayo no'n nasa concert kayo ni Sarah (Geronimo), that same night," pabirong sinabi ni Jed kay Lea Salonga na nasa audience.

"Alam niyo yung ginawa ko? Ha, gagawin ko lahat. Ang ending nakatipid ako, wala akong guest sa PICC ko na concert, ako lahat gumawa. Ano, gusto niyo sample?" pabirong pahayag ng beteranong singer bago simulan ang kanyang impersonation kay Regine Velasquez.

Hiyawan at palakpakan ang naging reaksyon ng mga nanunuod habang ginagaya ni Jed ang mga sikat na OPM icons. Makikita ring tuwang tuwa si Lea, na isa rin sa mga ginaya ni Jed. 

Lalo pang nagtawanan ang audience ni Jed nang gayahin niya rin ang accent ni Manny Pacquiao at ang pagkanta ni Mommy Dionisia ng “Wrecking Ball.”

Kasalukuyang umabot na ng 1.5 million views ang re-uploaded na video sa facebook. 

 

Sa nasabing concert din ay naging guest ni Jed Madela sina Unkabogable Vice Ganda at Asia's Songbird Regine Velasquez.