• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid at Nadine Lustre, kailan nga ba magsasamang muli sa isang proyekto?

James Reid at Nadine Lustre, kailan nga ba magsasamang muli sa isang proyekto?

Dahil sa kanyang dalawang bagong leading man, marami ang nagtatanong kung kelan ulit makakasama sina Nadine Lustre at James Reid sa isang project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/22/2018 2:13 PM
James Reid at Nadine Lustre, kailan nga ba magsasamang muli sa isang proyekto?


Marami ang nagtatanong kung bakit iba na naman ang kapareha ni Nadine Lustre sa kanyang bagong movie project at hindi ang kanyang ka-love team at boyfriend na si James Reid. Kamakailan lang ay na-interview nga ng PUSH si Nadine kasama ang kanyang bagong leading man na si Sam Concepcion para sa pelikulang Indak

 

 

Kailan nga bang makikitang muli ng Jadine fans na magkasama sila sa isang project muli? 

“I don’t know... But for now, James has Pedro Penduko. I mean nasa Pedro Penduko din naman ako according to direk [Paul Basinillo], pero hindi pa ata nagkakausap about doon,” tugon ng aktres.

Pagdating naman sa TV projects, mabilis naman na sinabi ni Nadine na, “With TV I’m not yet sure, pero soon po ‘yan. Marami pa din po kasi naka line-up and we really want to focus here for now at least ‘yung effort namin hindi divided kasi mahirap din naman po ‘yung madami,” aniya.

At kahit na hindi madalas magsasama sa isang proyekto, para sa aktres wala pa din daw nagbabago sa kanilang samahan.

“I don’t think it’s different naman po kapag magkahiwalay kami o magkasama, the same lang naman po. Siguro ‘pag mag-kasama lang kami I guess parang nag-e-enjoy ako na ka-trabaho pa din siya e, even though ang tagal na namin na nagkakasama, parang pag-waiting hindi ako na bo-bore kasi andyan po siya, nakaka-usap ko and all that,” pahayag pa niya.

February nitong taon nang huling napanood si James at Nadine sa kanilang level up movie na Never Not Love You.