• Home
  • Fresh Scoops
  • DILG, hindi na idedemanda ang ABS-CBN dahil sa ‘Ang Probinsyano’

DILG, hindi na idedemanda ang ABS-CBN dahil sa ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin at mga kinatawan ng ‘Ang Probinsyano’, nagkaroon ng maayos na pag-uusap with DILG.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/22/2018 11:38 AM
DILG, hindi na idedemanda ang ABS-CBN dahil sa ‘Ang Probinsyano’


Sa ulat ng TV Patrol, nagpulong na at nagkasundo na ang mga kinatawan ng Ang Probinsyano kasama si Coco Martin at ilang executives ng ABS-CBN at ang mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government. (DILG). Naganap ang pag-uusap sa Kampo Crame noong November 21.

Matatandaan na nagkaroon ng issue ang DILG sa programa dahil diumano sa di magandang depiksyon ng kapulisan na ipinapakita nito.

Ayon kay Coco, maganda ang resulta ng naging pag-uusap. “Isang magandang pag-uusap ang nangyari ngayong hapon. Nagkapaliwanagan kami ni DILG Secretary Eduardo Año… nagkaayos. Nagkapaliwanagan ng bawat punto.”

Tuloy diumano ang suporta ng program sa layunin ng PNP. Dagdag pa ni Coco, “Napaliwanag namin yung side namin na itong ginagawa namin sa Ang Probinsyano ay kumbaga inspirasyon sa mga manunuod. Kaya ang ano po namin ngayon ay magtulungan, kung ano ang ikagaganda at ikabubuti ng ating bayan.” 

Ayon naman sa DILG, mas naliwanagan ang lahat dahil sa nangyaring pulong at hindi na din idedemanda ng ahensya ang ABS-CBN.

Matapos nito, magkakaroon din ng dayalogo ang team ng top rating serye kay PNP Chief Oscar Albayalde na naunang pumuna sa programa. 

Nauna na ring nagpahayag na saluobin si Coco tungkol sa issue nang lumabas ito. Isa sa mga nagpakita ng suporta sa programa ay si Senator Grace Poe. 

READ: SEE: Coco Martin’s response to accusations from the PNP