Angelica Panganiban, na-touch sa pabirthday party ng fans

Angelica Panganiban naiyak diumano sa birthday party na bigay ng CarGel fans sa kanya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/22/2018 11:11 AM
Angelica Panganiban, na-touch sa pabirthday party ng fans


Sa ulat ng TV Patrol, kinilig si Angelica Panganiban nang bigyan siya ng belated birthday party ng solid CarGel fans. Present din sa okasyon si Carlo Aquino na ikinatuwa ng fans.

Natouch siya lalo nang umuwi pa ang isang fan mula sa China para lang makadalo sa okasyon. Ayon sa ulat, dumaan si Ruby sa matinding depresyon matapos pumanaw ang kanyang asawa at malaking tulong ang CarGel sa pagaling niya. 

Ani Angelica, “Kaya ako naiyak kanina… effort kung effort.” Mas nakaka-inspire diumano magtrabaho kapag positive ang epekto nila sa mga tagahanga.

Mapapanuod ang CarGel sa seryeng PlayHouse. Ayon kay Carlo, sana gawin na siyang regular sa programa. “Mahal ko na si Harold, saka mahal ko na si Patty. Ang saya nung set, sobrang na-eenjoy ko e.”

WATCH: Push Now Na: CarGel, excited at masaya sa pag-guest ni Carlo sa show ni Angelica na Playhouse

Wala namang sagot ang dalawa nang tanungin ang relationship status nila.