• Home
  • Fresh Scoops
  • ALAMIN: Ito ang presyo ng mga ticket sa 2018 Miss Universe Coronation show

ALAMIN: Ito ang presyo ng mga ticket sa 2018 Miss Universe Coronation show

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/22/2018 11:22 AM
ALAMIN: Ito ang presyo ng mga ticket sa 2018 Miss Universe Coronation show


Photo credit to: thaiticketmajor.com

Simula na ng pageant season para sa fans ng inaabangan na Miss Universe 2018 kung saan lalaban si Catriona Gray bilang pambato ng Pilipinas.

Kasabay nito ang kabilaang kampanya ng iba’t ibang bansa para sa kanilang mga paboritong kandidata.

Pormal na din na inanunsyo ng Miss Universe Official page ang halaga ng mga ticket para sa mga nais manuod ng coronation night na gaganapin sa Impact Theater Bangkok, Thailand.

50,000 (Baht Thailand Currency) o mahigit kumulang sa 80,000 (PHP) kalakip ang special package gaya ng Tiara Package 50,000 (Baht*) Tiara Entrance, Tiara Lounge, Tiara Parking (every two-ticket purchase), Tiara Lanyard, Tiara Souvenir Gift set, at After show photo opportunity kasama ang 2018 Miss Universe.

35,000 (Baht Thailand Currency) o mahigit kumulang sa 57,000 (PHP) na kasama din ang special package gaya ng Souvenir Gift set, Complimentary Drink

Para naman sa hindi kalakihan ang mga budget:

25,000 (Baht Thailand Currency)- o mahigit kumulang sa 40,000 (PHP)

18,000 (Baht Thailand Currency) o 29,000 (PHP) 

13,500 (Baht Thailand Currency) - 22,000 (PHP)

10,000 (Baht Thailand Currency) -16,000 (PHP)

6,500 (Baht Thailand Currency) -10,500 (PHP) 

4,000(Baht Thailand Currency) - 6,500 (PHP)

at 2,500 (All Seating) o 4,000 (PHP)

Sa darating na November 28, tutulak na patungo ng Bangkok, Thailand si Catriona para sa kanyang laban sa Miss Universe 2018.

NOTE: Prices may change depending on prevailing exchange rates.