Sam Milby mas komportable na ba maging kontrabida?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/21/2018 11:20 AM
Sam Milby mas komportable na ba maging kontrabida?


Isa si Sam Milby sa mga gabi-gabing napapanuod sa hit Kapamilya series na Halik.

Kuwento ng aktor sa naging panayam sa kanya, masaya siya sa positibong pagtanggap ng mga manunuod sa kanyang karakter bilang si Ace na kontrabida sa buhay ni Lino.

Dahil kapit na kapit ang pagiging kontrabida, hindi na din daw malayo na tumanggap siya muli ng kontrabida roles sa kanyang future projects.

“I mean if the next role happens to be kontrabida type din, if it's a great role, I'll also do it again,” ani Sam.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Deserve ko to đŸ¤• #AceCorpuz #MasakitNaHalik #BugbogSarado #Karma #Halik

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

 

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap siya bilang kontrabida sa isang Kapamilya series.

“I’ve only done two roles na ganito 'Wag Ka Lang Mawawala with Juday (Judy Ann Santos) and actually Maging Sino Ka Man it was a bit stronger role, but not this kontrabida type,” tugon pa ng aktor.

Kuwento ni Sam, malaki ang kanyang pasasalamat sa direktor na si Ruel S. Bayani na naniwala sa kanyang kakayahan na gampanan ang role ni Ace.

“Even RSB (Ruel S Bayani) when he offered me the role, siya din nagsabi na, 'Sam, I think, sa mga projects na ginawa mo dati, I think 'yung mga strong na medyo mga bad boy roles [are] the ones that you shine more.' And yeah, if this is the type of role that I do better, then I'm on my strength,” pahayag ni Sam.