Sam Concepcion, time out muna sa love life?

Looking forward ngayon si Sam Concepcion sa upcoming movie project kasama si Nadine Lustre.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2018 11:30 AM
Sam Concepcion, time out muna sa love life?


Photo credit: @sam_concepcion on IG

Focus muna sa mga paparating na proyekto si Sam Concepcion. Ito ay ayon sa aktor nang kumustahin siya ng entertainment press sa story conference ng upcoming movie na Indak kasama si Nadine Lustre.

“I think that’s not a priority at the moment. Okay din na maraming work ang nangyayari,” tugon ni Sam sa panayam ng PUSH at ABS-CBN news at ng isa pang miyembro ng press.

“Keeping busy with work, maraming pagkakaabalahan, so concentrating on all of that,” aniya sa panayam.

Kamakailan lang naging laman ng balita ang hiwalayan ni Sam at ang kanyang girlfriend na si Kiana Valenciano.

READ:Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valencian

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mood. 🇰🇷

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

 

Kinumusta din ang estado ng kanyang damdamin matapos ang naging hiwalayan.

"I don't want to give it the numbers but, actually, parang minsan naman you really have to take it one day at a time, concentrate on yourself, your work, your career, your relationships, family,” patuloy ng aktor.

“As you find that, parang you'll find yourself in the place kung saan mo gusto, where you want to be. So, yun. That's what I'm keeping in mind," paliwang pa niya.

Aminado naman si Sam na hindi siya nakikipag-date sa ngayon 

“Wala, wala naman,” maikli niyang tugon.

At kung tatanungin naman kung kailan ang best time na mag-mahal muli, “Di ko alam. If it happens, it happens. I won't force anything. I won't force not to see anyone. I won't force to see anyone. We're still young,” nakangiting pahayag niya.

Sa ngayon, abala si Sam sa mga nakalinya niyang proyekto.