Sanib pwersa sa isang charity event sina 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa HIV Awareness campaign.
Isa ito sa mga pambihirang pagkakataon na nagsama sina Pia at Catriona sa isang public event.
Matatandaan na ang HIV Awareness ang isa sa mga pangunahing adbokasiya noon ni Pia.
Gaya ni Pia, HIV awareness ang isa sa mga adbokasiya ni Catriona Gray.
“It’s really alarming. Having high statistics can be very scary. Having a 140 percent increase here in the Philippines alone, while other South East Asian countries have a decrease with the new HIV cases,” pahayag pa ni Catriona.
Sa ngayon, abala na sa paghahanda si Catriona para sa nalalapit na coronation night ng Miss Universe sa Bangkok, Thailand sa December 17.