• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanay ni Alessandra De Rossi, may payo sa anak tuwing heartbroken.

Nanay ni Alessandra De Rossi, may payo sa anak tuwing heartbroken.

Alessandra De Rossi, naiyak nang maalala ang laging sinasabi ng ina kapag nadadapa siya pagdating sa love.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/21/2018 11:50 AM
Nanay ni Alessandra De Rossi, may payo sa anak tuwing heartbroken.


Photo credit: @msderossi on IG (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilan maiyak ni Alessandra de Rossi nang sabihin niya kung ano ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang Nanay Nenita tuwing siya ay nadadapa pagdating sa pag-ibig. Ani Alex, “[Sabi niya], ‘Ayan kasi. Ayan kasi. Masyado ka magmahal.’ Wag daw masyado hindi daw lahat pamilya.” 

Huling beses na umiyak si Assunta noong naramdaman niya na “betrayed” siya. Ayon sa kanya, “Ang hirap lang talaga humanap ng tao na totoo sa’yo sa showbiz kasi totoong-totoo ako.”

Dagdag pa niya, umabot pa siya sa gusto na niyang iwan ang mundo ng showbiz. “Umabot ako sa gusto ko nanaman mag-quit… (parang) ayoko na, ang paplastik niyong lahat!”

Si Nanay Nenita din ni Alex ang nagpapasaya sa kanya. “She makes me happy,” ani Alex. 
 
Nagkuwento pa si Alex ng isang nakakatuwang pangyayari kung saan maghapon nilang tinuruan ng kanyang kapatid na si Assunta De Rossi ang kanilang nanay na praktisin ang katiting na linya para sa pelikula. “Buong araw kami ni Assunta naka-take 59 kami…” 

Dagdag pa ni Alex tungkol sa ina ay, “She’s a frustrated actress. Gustong-gusto niya ng tinatapatan siya ng camera pero nako-conscious siya.” 

Si Alex diumano ang sumulat ng pelikulang Through Night and Day na kinunan ang ilang eksena sa Iceland. 

READ: Alessandra de Rossi chases ‘death’ while shooting ‘Through Night and Day’ in Iceland