• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada answers intriguing questions about her love life

Karla Estrada answers intriguing questions about her love life

Karla, ibinahagi kung sino ang local celebrity crush niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/21/2018 3:09 PM
Karla Estrada answers intriguing questions about her love life


Sa episode ng Magandang Buhay ngayong November 21, nag-celebrate ng kanyang ika-44 na birthday ang momshie-host na si Karla Estrada kasama ang kanyang apat na anak at ang pamangkin na si Jordan.
 
Dito, sinagot din ni momshie Karla ang ilan sa mga maiinit na tanong tungkol sa kanyang lovelife na binanggit ng anak na si Magui.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you @_magandangbuhay family!!! ABANGAN! #1121 #familyislove❤️

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on


Sa palitan ng mga tanong at sagot, inamin ni Karla na single siya ngayon at hindi pa ready na makipag-relasyon ulit. Nang tinanong naman siya kung nakalimot na siya sa kanyang pinakahuling relasyon, agad at matipid niyang sinagot ito ng, ”False.”
 
Sa follow-up question ni Magui na “Sana ako na lang ulit. True or False?” ay nakakatawa namang nag-react si Karla ng “Yuck!”
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good night my loves!♥️ #bdaybluesondloose #1121

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on


 
Sa parehong episode rin ay ini-reveal ni Karla na si Sam Milby ang isa sa kanyang mga celebrity crushes.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

soon...🖤 #1121

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on


 
Kasunod ng kanyang birthday celebration sa Magandang Buhay ay magaganap din sa parehong araw ang kanyang digital concert na pinamagatang Karla: The Music Within.

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Oooohhhhh exciting!!! See you all tomorrow guys!!!🎤🎸🌹♥️

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on