• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables, ayaw umasa na makapasok ang pelikula sa Oscars

Christian Bables, ayaw umasa na makapasok ang pelikula sa Oscars

Ayon kay Christian Bables, ayaw niya ma-stress sa kakaisip kung makakakuha sila ng Oscar nomination.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/21/2018 10:05 AM
Christian Bables, ayaw umasa na makapasok ang pelikula sa Oscars


Ayaw umasa ng Recipe for Love lead actor na si Christian Bables na makakapasok sa Oscars sa kategoryang Best Foreign Language Film ang pelikula niyang Signal Rock na idinirek ni Chito Roño.

“Hindi ko iiisip. Ayokong isipin nang isipin. I’m trying to take it one step at a time. Gusto kong mabuhay in the moment.

“Kasi kung ilalagay ko yung sarili ko do’n sa anticipation na baka makuha kami sa Oscars, na merong high chance na makuha kami sa Oscars o baka wala, baka atakehin ako ng anxiety, so ayoko.

“Si God na ang bahala, kung ano ang plano niya sa pelikula. Kagaya nga ng sinasabi ni Direk Chito at dito ako napapanatag lagi, ‘If the film is meant to fly, it will fly no matter what.’ So yon na lang, bahala na si God,” katwiran ni Christian nang makausap siya ng PUSH sa media launch ng Recipe for Love.

Bukod sa bagong pelikula, napapanod din si Christin sa Halik series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion.

Bago na-achieve ni Christian kung ano ang ini-enjoy niya ngayon bilang aktor, dumanas din daw siya ng mga pangmamaliit noon.

Aniya, “Medyo naranasan ko lahat yung mga dapat kong maranasan though kulang pa, pero malaking bagay yon para matutunan ko.

“Napakalaking bagay nung advice na binigay sa akin ng manager ko (Boy Abunda) at yon ang bumubuo sa core ko. Sabi niya, ‘Huwag kang makikinig sa sasabihin ng iba, as long as you know yourself, you know your core and you know your God, okay ka na. So yon po yung nagpapatibay sa aking loob,” patuloy niyang pahayag.

Samantala, inamin ng aktor na may namuong friendship sa kanila ni Cora Waddell na kapareha niya sa Recipe for Love habang ginagawa nila ang pelikula.

“Umabot na nga kami do’n sa point na pati love life namin, buhay namin, sine-share na namin sa isa’t isa, naging ganun kami ka-close. Unexpected friendship talaga at ngayo kahit hindi kami magkita nang madalas, pag nagkikita kami love pa rin namin ang isa’t isa,” pag-amin ng aktor.

“Masarap rin siyang katrabaho kasi magaling. Alam niya kung ano yung bibitawan niya, eh, kung ano yung ire-react niya, kung ano yung ipaparamdam niya sa ‘yo,” papuri naman niya sa leading lady.

Ipapalabas na sa November 21 ang Recipe For Love na prinodyus ng Regal Entertainment under the direction of Joey Reyes.