Ang Probinsyano, makikipagdayalogo sa DILG at MTRCB

DILG, MTRCB at producers ng ‘Ang Probinsyano’, magkakaroon na ng pag-uusap

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/21/2018 11:42 AM
Ang Probinsyano, makikipagdayalogo sa DILG at MTRCB


Maghaharap sa November 21 ang mga kinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Department of Interior and Local Government (DILG) at producers ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ay tungkol sa pag-portray sa mga kapulisan sa naturang teleserye.

Nauna nang nagsalita si PNP Chief Oscar Albayalde tungkol dito. Sabi niya ang “villain” ang PNP Chief sa naturang palabas na hindi naman makatotohanan sa totoong buhay.  

READ: PNP, may reklamo tungkol sa ‘Ang Probinsyano’

Ayon naman kay Secretary Eduardo Año ng DILG, layunin nilang magkaroon ng pag-uusap na magiging beneficial para sa lahat, “our objective is to make a consensus or a solution where the interest of every party shall be observed or the public…”