• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Concepcion at Nadine Lustre magtatambal sa isang pelikula

Sam Concepcion at Nadine Lustre magtatambal sa isang pelikula

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan ni Nadine at Sam na kilalang magkabarkada.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/20/2018 3:37 PM
Sam Concepcion at Nadine Lustre magtatambal sa isang pelikula


Sa unang pagkakataon, magsasama sa isang proyekto ang mag-kaibigan na sina Sam Concepcion at Nadine Lustre para sa isang dance musical movie ng VIVA Films na Indak.

Sa naganap na story conference nitong Lunes ng gabi (Nobyembre 19) , excited na ikinuwento ng dalawang lead cast ang pananabik sa kanilang bagong proyekto.

 

"We're super excited kasi, it will have a lot of dancing, a lot of production number that’s what I’m looking forward to," ani Nadine sa press.

Kuwento pa ng aktres, ito ang unang project na pagsasamahan nila ni Sam na kilalang malapit sa kanila ng boyfriend na si James Reid.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Smiles 🙂🙃🙂🙃

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

 

"Actually this is the first big project together, but me and Sam we had an endorsement shoot before," aniya.

Bilang paghahanda naman para indakan, special request ni Nadine at Sam ang pagkakaroon ng training sa pagsasayaw.

"We requested for training especially me, medyo matagal na din po akong hindi sumasayaw," sabi pa ni Nadine.

Gaya ng kanyang leading lady, looking forward na din na magsimula ng training si Sam para sa pelikula.

"Well the theme of the movie is very different and I think ma-highlight dito is yung dancing, siyempre we'll highlight here is 'yung dancing, it's going to be heavy dancing," sabi niya.

Dahil bagong tambalan sa pelikula, hindi din naiwasan na itanong kung posible ba ang pagkakaroon ng kissing scene sa ilang mga eksena sa kanilang unang proyekto.

Paliwanag ng direktor nito na si Paul Basinillo, posibleng mayroong kissing scene sa kuwento ng pelikula.

"Definitely... But i don't want to pre-empt, there's a relationship of course because this movie is your not just typical dance movie, it's also a journey between the personalities also," pahayag naman ng direktor.

Target na mai-release ang pelikula sa March sa susunod na taon.

Bukod kay Sam at Nadine, bahagi din ng pelikula sina Julian Trono at Ella Cruz.