EXCLUSIVE: Enzo Pineda, bakit nagbago ng look?

Enzo Pineda, ipinaliwanag kung bakit siya nagpagupit ng semi-kalbo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2018 10:12 AM
EXCLUSIVE: Enzo Pineda, bakit nagbago ng look?


Bago ang look ni Enzo Pineda nang makausap namin siya sa storycon ng horror film na Hipnotismo na ididirek ni Joey Romero sa BG Productions International. Nagpatubo siya ng bigote at nagpa-semi-kalbo pa.

“I’ve had the same haircut for the past six or seven years po nung nakilala n’yo ako, so para maiba naman, and also para maiba rin yung roles na nakukuha ko.

“I mean, if I take out my hair, parang mas mukha po akong bata, di ba, so ngayon, I kind of acting my age now which I am 28, so advantage din naman na puwede akong maging bata tapos puwede rin akong maging mature, so para maiba lang po,” paliwanag ni Enzo.

Ano bang role ang mas gusto niyang i-portray—yung bata ba o mature?

“Well, if I change my look naman, puwede naman yung bata, so I have that luxury na puwede akong magmukhang bata, puwede akong magmukhang mas mature. But for this year lang, para I can show something different sa mga manonood, nag-iba muna ako ng look, nagpa-mature muna ako,” sagot ni Enzo.

Inamin din ng aktor na may kaugnayan ang kanyang new look sa ginagawang teleserye ngayo sa ABS-CBN, ang Nang Ngumiti Ang Langit.

Ani Enzo, “Yes po, part po ito sa Nang Ngumiti Ang Langit and also for the movie that I’m also doing for Regal with Ms. Winwyn Marquez. So, nagkataon na yung pag change look ko sumakto lahat sa mga projects na gagawin ko.”

Handa na rin ba siyang tumanggap ng bad boy role na babagay sa itsura niya ngayon?

“Ako, kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong gumawa ng mga bad boy roles, may angst, and this is like one of the reasons why I changed my look. If given the chance na I would do something na bad boy, na action na pelikula, game ako don.

“Sa Nang Ngumiti Ang Langit may pag-asa na maging kontrabida, parang good boy to kontrabida, pero babalik ulit sa dati. May chance na maging gray yung character ko. So I’m excited for that, para ma-explore ko naman yung ibang spectrum ng emotions na hindi ko laging ginagampanan sa TV,” lahad pa niya.

Going back to his horror movie, makakasama ni Enzo sa pelikula si Beauty Gonzalez. Sa Dumaguete kukunan ang maraming eksena sa pelikula at ayon sa binata, excited na rin siyang i-explore ang naturang probinsiya.