Catriona Gray, naging emosyonal dahil sa mga bata ng Tondo

Hindi napigilang mapaluha ni Catriona Gray matapos bisitahin at regaluhan siya ng mga batang taga-Tondo sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/20/2018 3:05 PM
Catriona Gray, naging emosyonal dahil sa mga bata ng Tondo


Sa November 20 episode ng Magandang Buhay, naging emosyonal ang Miss Universe- Philippines 2018 na si Catriona Gray matapos bisitahin at makatanggap ng regalo mula sa mga bata ng Young Focus Foundation sa Tondo. Ayon kay Catriona, ang adbokasiya niya sa edukasyon para sa mga bata ang nagiging inspirasyon niya sa ngayon.
 

 
“The things that they have to face, the challenges they overcome just to come to school. Like it’s very inspirational... And I would love for people to learn how passionate these kids are, just to have a better lives for themselves and their families. These are modern day heroes in a sense din, eh,” pahayag ni Catriona.
 


 
Hindi napigilang maluha sa tuwa ni Catriona nang simula niyang basahin ang hinandang sulat ng mga Young Focus kids bilang regalo bago siya umalis papuntang Thailang para sa Miss Universe 2018.
 
“To our Miss Universe, thank you for reaching out to the kids of Tondo. You are not just a beautiful face, but a person with passion in helping people and that makes you a real queen. We love you,” sabi sa sulat.
 
Bago pa man maging beauty queen, naging aktibong volunteer na si Catriona sa Young Focus Foundation simula noong 2015. Kwento pa niya, personal na bumibisita siya sa komunidad ng Tondo para magturo at tumulong sa pagpaparenovate ng kanilang pre-school at childcare center.
 
Dagdag ng Miss Universe - Philippines, mas malaki ang nadudulot na inspirasyon na nakukuha niya mula sa mga bata kaysa sa mga volunteer work na ibinibigay niya. “What I give them is small, compare to what they give to me. Sila yung backbone ko, eh.”

 

 

 


 
Nakatakdang lumaban para sa Miss Universe 2018 si Catriona Gray sa darating na December 16 sa Thailand.