• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Manalo on working with her ex-boyfriend John Prats: “Professional kaming dalawa”

Bianca Manalo on working with her ex-boyfriend John Prats: “Professional kaming dalawa”

Ipinaliwanag ni Bianca Manalo kung bakit masaya siya ngayon sa pagiging single.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/20/2018 2:05 PM
Bianca Manalo on working with her ex-boyfriend John Prats: “Professional kaming dalawa”


Sa pag-guest ng beauty queen at aktres na si Bianca Manalo sa November 20 episode ng Magandang Buhay, proud niyang sinabi na masaya siya ngayon na single siya. Ayon kay Bianca, mas nagkaroon siya ng oras sa pamilya niya ngayon.
 


 
“Single. I’m very much happy. Simula kasi noong may pinagdaanan ako sa buhay, mas nag-focus ako sa pamilya ko, sa trabaho ko. Mamahalin ko muna sarii ko, ako muna. Kasi ba’t ko ba kailangan magmadali, eh nandiyan lang naman ang love. Ang importanteng love ngayon, ‘yung love ng pamilya mo, dahil ‘yun ang totoo, eh,” pahayag ng aktres.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

. Greetings from 🇭🇰 . 🌸

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on

 
Hindi naman iniwasan ni Bianca nang tanungin siya ng momshie-hosts kung paano niya hina-handle ang pakikipagtrabaho sa kanyang ex-boyfriend na si John Prats. “Professional kaming dalawa, eh. Maganda naman ang kinalabasan sa mga tao, natutuwa (sila), maraming kinikilig, so why not?”
 
Ayon pa kay Bianca, natatawa na lang siya sa mga linya kapag binabasa niya ang script ng FPJ’s Ang Probinsyano na parang tinutukso siya kay John. “Nire-rehearse namin yung mga scenes. Tatawa na ko ng tatawa na, kasi parang, ‘Totoo ba tong linya na ‘to? Na mahilig ako sa maliit, ikaw, mahilig ka ba sa matangkad,’ kaya parang kailangan talaga gano’n ‘yung line?
 
“So bago kami mag-take, itatawa ko na muna lahat,” dagdag ni Bianca.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

. Bubbles - lovestruck 🥰 . #FPJAngProbinsyano

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on


 
Maaalalang naging laman ng mga balita ang hiwalayan nina Bianca at John noong 2012.
 
Sa ngayon, mapapanood ang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.