• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino ang naka-mask na hinahalikan ni Angelica Panganiban sa instagram video?

Sino ang naka-mask na hinahalikan ni Angelica Panganiban sa instagram video?

Si Carlo Aquino ang hula ng mga netizen sa lalaking naka-mask at tila hinahalikan ni Angelica Panganiban sa Japan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/2/2018 1:48 PM
Sino ang naka-mask na hinahalikan ni Angelica Panganiban sa instagram video?


Photo credit: @iamangelicap IG

Sa Halloween trip to Japan ni Angelica Panganiban kasama ang mga kaibigan, nagpost ang aktres ng video sa Instagram na tila nakikipaghalikan habang nakasuot ng mask, sa isang lalaking naka-mask din. Sa caption, matipid na nilagay ni Angelica, “Happy Halloween.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Halloween

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Hindi man nilinaw ng aktres, nagbigay naman ng kani-kanilang hula ang mga fans sa comment section. Maraming nagsasabi na si Carlo Aquino ang lalaking naka-mask, matapos makuhanan rin na kasama ang aktor  sa bakasyon ni Angge sa Japan ngayong Halloween.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is how you spend your HALLOWEEN!!! 🎃🤡

A post shared by Andoy Ranay (@andoyranay) on

Bukod sa Exes Baggage loveteam, nakita ring kasama ang ilang kaibigang celebrities sa nasabing Japan trip, tulad nila Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto at Ryza Cenon, na naka-costume rin. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Last nite

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Nitong nakaraang linggo, marami ring nagulat at napaisip nang magpost si Angelica Panganiban sa instagram na tila nagpapahiwatig na nagkabalikan na sila ni Carlo Aquino. 

READ: LOOK: Celebrities ask if Carlo Aquino and Angelica Panganiban are officially dating

Ngunit sa huling report ng PUSH, nilinaw ni Carlo Aquino na hindi pa sila opisyal na magkarelasyon ni Angelica Panganiban. 

READ: Carlo Aquino quashes fans’ hopes, says Angelica Panganiban still not his girlfriend