Myrtle Sarrosa, lalaban sa PUBG international tournament

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/2/2018 10:54 AM
Myrtle Sarrosa, lalaban sa PUBG international tournament


Off to Bangkok, Thailand si Myrtle Sarrosa para lumaban sa PUBG Challenger Series, isang gaming tournament.

Bahagi si Myrtle ng Philippine team na sasabak sa paglalaro ng PlayerUnknown's Battlegrounds (PUBG), isang online multiplayer game mula sa isang Korean company.

 

Kuwento ni Myrtle, hilig lang talaga niya ang maglaro ng video games.

“Mahilig talaga ako sa video games. Tapos sumali ako previously sa ‘PUBG Mobile Star’. Pumasok ako sa qualifying round kaso hindi kami nakapasok sa finals to be the representative ng Philippines,” excited na kuwento niya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aniya, hindi niya inakala na magiging bahagi siya ng Philippine team.

“First time ko mag-qualify para sa isang gaming tournament. Sumasali na ako kaso hindi talaga ako nakapasok. But this time I really qualified and I'm grateful for the opportunity na madala ko ang Pilipinas sa isang gaming tournament," masayang pahayag ni Myrtle.

Kung papalarin, maiuuwi ni Myrtle at ng Philippine team sa gaming tournament ang mahigit kumulang kalahating milyong piso at karangalan sa Pilipinas.