• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel, ayaw mag comment sa isyu nina Janella Salvador at Elmo Magalona

Marlo Mortel, ayaw mag comment sa isyu nina Janella Salvador at Elmo Magalona

Nagkuwento din si Marlo Mortel tungkol sa experience niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2018 10:15 AM
Marlo Mortel, ayaw mag comment sa isyu nina Janella Salvador at Elmo Magalona


Safe ang mga naging pahayag ni Marlo Mortel sa pinagdaanan ng dati niyang ka-love team na si Janella Salvador. Halatang ayaw niyang mag-comment at mag-elaborate tungkol dito at sa naging akusasyon ni Janella kay Elmo Magalona.

“Hindi ko…” tila natitigilan niyang reaksyon. “Actually, magkakilala kasi kami, good friends naman kami (ni Elmo). Nando’n sila ni Janella nung wake ng mom ko. Nag-pray pa nga kami together.

“So, hindi ko alam kung ano yung mga nangyari, wala akong idea,” sambit pa niya.

Eh, ano ba ang na-feel niya kay Janella after the incident?

“Hindi ko naman po alam kung ano yung totoong pangyayari, so hindi ko masabi,” pag-iwas pa rin ng binata sa isyu.

Napapanood na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano si Marlo kaya ipinakuwento namin sa kanya ang working experience niya sa teleserye.

Ani Marlo, “Nung first taping day namin, walang sinabi sa amin kundi millennial kami. Hindi nga namin alam ni Sue (Ramirez) na magka-love team pala kami. Tapos pagdating namin sa set, hindi pa tapos isulat ni Kuya Coco (Martin) yung linya.

“Tapos pagkasulat, sinabi lang sa amin, ‘O, Sue ito yung line mo.’ So parang nung una na-shock ako kasi hindi ko pa naaaral kasi dini-dictate lang. Parang paano ba ito kaya medyo nate-tense ako nung una.

“Pero nung nagtagal, na-realize ko na, ‘Ah, ganito pala ang tactic niya kasi para siyempre fresh yung idea, then yung as an actor fresh din yung maibibigay namin kasi hindi masyadong aral. Kailangan lang super prepared ka.”

When we asked Marlo kung vain ba siya katulad ng ibang celebrity, ang sagot niya, “Siguro, siyempre bilang nasa showbiz masasabi kong vain ako dahil kailangan kasi celebrity ako. Pero kung hindi (celebrity) gusto ko nga nakapambahay lang ako lagi.

“Napapagalitan nga ako, kasi minsan nagmo-mall ako mukha akong nakapambahay. Pero, oo, kailangan namin as an artist. Hindi naman yung super vain, pero kailangan lang naming mag-ayos.”

Magastos din ba siya?

“Actually, hindi ako magastos. Lahat ng mga damit at shoes ko more on sponsors lang, ex-deal. Sa gastos, more on sa family talaga ako.

“Kasi lahat ng suweldo ko ever since direkta yon sa family ko—sa mommy at daddy ko—sila yung nag-aasikaso no’n tapos nanghihingi lang ako ng allowance,” kuwento pa ng binata.

Patuloy pa niya, “Ngayon si daddy pa rin yung nagma-manage ng bank account ko. So, very budgeted talagang maigi.”

Magkano usually ang laman ng wallet niya?

“Normal, siguro mga 2 to 3 (thousand). Pang-gas, pangkain lang, ganun. Hindi ako super magastos, eh. Kaya nga nagtataka sila na paano ko napagamot si mommy na mag-isa. Kasi lahat ng pera ko noon, sa kanila nakaipon.

“Hindi ako maluho. Maluho lang ako sa toys. May collection ako ng toys—Marvel, action figures, etc.—pero ano naman siya, maganda din naman siyang investment kasi nabibenta rin naman siya.”

Ano ang pinaka-expensive toys na nabili niya?

“Kasi sobrang fan ako ni Spider-man, bumili ako ng action figure na mga nasa P17,000. Mahal na yon para sa akin. Kasi yung iba pinagkakagustusan ko naman puro necessity yon, eh,” pagtatapos ni Marlo sa PUSH.