• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuya Escort Greg Hawkins, pinasaya ang isang cancer patient sa kanyang debut

Kuya Escort Greg Hawkins, pinasaya ang isang cancer patient sa kanyang debut

Hindi inakala ni Kuya Escort ang naging impact niya sa mga manunuod.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/2/2018 10:58 AM
Kuya Escort Greg Hawkins, pinasaya ang isang cancer patient sa kanyang debut


Wish granted para sa debut ng isang cancer patient na gustong makasama ang kanyang idolo sa mismong araw ng kanyang kaarawan

Sorpresa ang naging pagbisita ng bagong kilig ambassador ng It’s Showtime na si Kuya Escort Greg Hawkins.

 

Pangarap ng cancer patient na si Rose na makasama si Greg sa kanyang debut na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa tulong na din ni Greg.

Kuwento ni Kuya Escort sa naging panayam ng PUSH, ibang saya daw ang kanyang naramdaman sa naging wish ng isang dalaga.

“My heart is full, celebrating her birthday with me… I’m just really happy to be her escort for tonight,” nanginig na luha niyang kuwento.

Aniya, isang karangalan ang makapagpasaya ng mga tao para sa isang tulad niya na nagsisimula palang sa mundo ng showbiz.

“I don’t feel worthy, hindi ako karapat-dapat pero I [can] make somebody happy pala in simple ways. I’m just so happy to be here for someone during this time, a special day of their lives, the honor is all mine and I’m very, very thankful,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, nakabakasyon muna sa It’s Showtime si Kuya Escort para ayusin ang kanyang work permit.