• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, inaming malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Rico Yan sa kanya

Jolina Magdangal, inaming malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Rico Yan sa kanya

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/2/2018 12:15 PM
Jolina Magdangal, inaming malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Rico Yan sa kanya


Sa Halloween special episode ng Magandang Buhay kahapon, November 1, ibinahagi ng mga momshie hosts na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ang epekto sa kanila matapos mamatayan ng mga malapit na kaibigan. 

Ayon kay Jolina Magdangal, hindi niya makakalimutan ang realisation at impact sa kanya ng pagkamatay ng kaibigan at Gimik co-actor na si Rico Yan noong Marso 2002. “Ito medyo matagal na, kumbaga dati ang thinking ko ang mga sumasakabilang-buhay lang ay 'yung mga matatanda na. Kasi matatanda na sila, mahina na sila. Pero noong namatay si Rico Yan -- naging close kasi kami dahil sa 'Gimik' -- siguro it took me one day, bumalik pa ako ng burol para lang mapuntahan siya.” kwento ni Jolina.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy weekend everyone. Be safe and take care.😊

A post shared by 🍀 Jolina Magdangal Escueta 🍀 (@mariajolina_ig) on

 

Inamin ng momshie host na doon niya lang na-realise na walang pinipiling edad ang kamatayan.”Kasi hindi ako makapaniwala. Puwede rin palang mamatay 'yung kaedad ko. Parang ang akala ko lang ay matatanda. Pero anytime pala, kahit anong edad mo, kapag kinuha ka, tapos ang buhay. So ang laki nung impact sa akin” dagdag ni Jolina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#gimik #ricoyan #ryforever #ilovericoyan #RYoverload

A post shared by Rico Yan Fan (@rico_yan4ever) on


Sa parehong episode, nagbahagi din ng kanyang kwento ang momshie host na si Karla Estrada. Inalala niya ang biglaang pagkamatay ng naging ka-close na direktor na si Wenn Deramas. "Talagang malaki ang impact sa akin ni direk Wenn kasi for a time, siya talaga ang nagbigay sa akin ng trabaho. Noong mga panahon na I think hindi ka lang kailangan noong mga panahon na 'yon, wala kang puwedeng paglagyan, hindi ka puwede rito, hindi ka puwede riyan. Si direk Wenn, lahat ng project niya talagang magkasama kami," sabi ni momshie Karla.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang Saya saya!

A post shared by @ wennderamas on


Dagdag pa niya naging close maging ang pamilya niya sa direktor. “Kung Christmas nasa akin lahat ng mga anak ko, doon kami kay direk Wenn magpapasko. Kasi doon siguradong may nakahandang gift, Aguinaldo ang mga bata. Ngayon, kung New Year naman at ako lang mag-isa, nandoon din ako sa kanya. So talagang ang pinagsamahan namin ni direk Wenn ay hindi lang sa trabaho, maraming personal na bagay.” kwento ni Karla.