Anne Curtis, pinaiyak ni Vice Ganda

Hindi napigilang mapaluha ni Anne Curtis nang mapagusapan nila ni Vice Ganda ang topic ng pagiging isang ina sa It's Showtime.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/2/2018 8:13 AM
Anne Curtis, pinaiyak ni Vice Ganda


Madalas na nakakatawa ang banter ng besties na sina Anne Curtis at Vice Ganda sa Tawag ng Tanghalan segment kaya naman natouch ang mga madlang people sa isang seryosong usapan ng dalawa nitong Huwebes, November 1. 

Sa interview portion ng isang TNT contestant na si Del Maica Papas, nabanggit nito ang mga sakripisyo ng isang ina para sa isang anak. Dito hindi napigilan ni Anne na magbigay reaksyon at sinabing, “When I hear stories like this, it makes me even more excited to be a mom.”

Agad naman humirit si Vice Ganda pero sa huli, ang mensahe niya ang nagpaiyak sa kanyang co-host.  

“It won’t be such a big surprise na makita ka namin kung gaano ka ka-galing na nanay. You don’t have to be a perfect woman to be a perfect mother. All you have to do is have a beautiful heart and that is enough.

“I have seen you. Ang dami mong struggles in the past. Maganda ka dati, pero sa mga pinagdaanan mo, lalong gumanda ang kaluluwa mo. Your kid, I am very sure, will be very proud of you. You will be such a perfect mother,” sambit nito. 

Ni-reveal din ni Anne ang ilang usapan nila ni Vice tungkol sa fears nitong tumanda mag-isa. 

“When we all grow old together, kami ni Erwan (Heussaff), we will always be here for you,” Curtis told Vice Ganda. “We can take you in, we will take care of you. Isa ka na rin sa magiging anak namin, eventually, when that time comes,” assurance ng aktres sa komedyante.

Sa isang recent interview, inamin ng dalawa na nagkaroon din ng challenges ang friendship nila, tulad ng mga ilang alitan. Pero napatunayan nina Vice at Anne na matatag na ang pagkakaibigang nabuo nila na nagsimula 10 years ago nang magsimula ang It's Showtime. 

READ: Vice Ganda at Anne Curtis, inaming minsan nang nagkasagutan

“‘Pag hindi nagkakasamaan ng loob, parang hindi ganun kalalim ang relasyon niyo. Parang hindi tayo magkakaibigan, parang magkakatrabaho lang. At ayaw natin ng magkakatrabaho lang, kailangan family. Best of friends,” sabi ni Anne. 

Panoorin ang nangyari kay Anne at Vice dito: