Anak ni Rico J. Puno, naiyak sa pagka-miss sa ama

Anak ni Rico J. Puno na si Tosca, kinuwento kung ano ang tinanong sa kanya ng ama bago ito pumanaw.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/2/2018 11:03 AM
Anak ni Rico J. Puno, naiyak sa pagka-miss sa ama


Sa ulat ni MJ Felipe sa TV Patrol, musika at trabaho diumano ang inaalala ni OPM legend Rico J. Puno bago siya pumanaw noong Martes, October 30, 2018.

Ayon sa anak ni Rico na si Tosca, tumaas ang heart rate ni Rico kaya siya dinala sa ospital para maipa-checkup. “Kasi napansin nila heavy breathing ganun, my Dad kasi medyo nag-manas na siya. Nahihirapan siyang huminga. Mga 12 ng madaling araw and then a few minutes, my cousin called sabi niya, ‘Ate nire-revive na si Tito,’” ani Tosca.

Nasanay daw ang pamilya na umuuwi na sila after checkup kaya laking gulat nila ng pag-uwi nila ng gabi yun na hindi na nila kasama si Rico.

Naiyak na lang si Tosca sa pagka-miss sa ama, “Papa di ba may duet pa tayo di ba? So I just really have to accept it… yun lang mami-miss ko lang siya.” Matatandaan na bago pumanaw ay naghahanda si Rico sa concert na gaganapin dapat sa November 23. 

READ: Matapos ang operasyon, Rico J. Puno, handa nang sumabak sa concert

Mahala na mahal diumano ni Rico ang musika at trabaho, maging sa mga huling sandali ng buhay niya. Ani Tosca, “Alam niyo po ba nung nandun kami sa St. Lukes, you know what his question was? Kailan yung station ID shoot. He loves music. He would go to his room, put on YouTube and sing, hanggang madaling araw.”

May special tribute para kay Rico ang mga katrabaho niya sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ngayon, November 2.