• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda nilinaw ang relasyon kay Calvin Abueva: ‘Hindi kami exclusively dating’

Vice Ganda nilinaw ang relasyon kay Calvin Abueva: ‘Hindi kami exclusively dating’

Nagsalita na si Vice Ganda sa tunay na estado ng pagkakaibigan nila ng basketbolistang si Calvin Abueva.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2018 2:52 PM
Vice Ganda nilinaw ang relasyon kay Calvin Abueva: ‘Hindi kami exclusively dating’


Matagumpay ang naging pagbubukas ng latest branch ng cosmetic business ni Vice Ganda nitong weekend sa Market Market Mall sa Taguig.

Dumog din ang mga fans na gustong sumilip at makita siya ng personal. 

 

Dito, na-corner din ang It’s Showtime host nang tanungin siya tungkol sa kanyang personal na buhay lalo na tungkol sa kontrobersyal na pagkakaibigan nila ng basketball player na si Calvin Abueva.

Aniya, masaya siya ngayon sa pagkakaibigan nila ni Calvin, na pilit na binibigyang kulay ng karamihan ngayon.

“Yung friendship niya sa akin, pinapasaya ako nun at nung relationship ko with him and his family, na napakabait sa akin,” tugon ni Vice sa opening ng flagship store ng Vice Cosmetics.

“Ayun masaya ako doon at panatag ang loob ko, hindi katulad dati na kapag may kasama ako, natatakot ako sa ibang tao sa labas. ‘Yung lagi kami kubli ng kubli ngayon parang may kapayapaan ang puso ko wala ako iniisip,” dagdag  na kuwento pa niya.

Usap-usapan din ang lutong adobo ni Calvin na ipinadala mismo kay Vice na pinagsaluhan ng “Showtime” family.

WATCH: Jhong, nasarapan sa lutong adobo ni Calvin Abueva para sa ‘Showtime’ family

“Ang sarap nung adobo, i-nenjoy ng buong ‘Showtime’ pati yung staff tumikim. Siya ang nagluto noon pati kanin siya. In-IG (Instagram) niya yun niluto niya sa pugon, kasi nagluluto talaga siya,” sabi ni Vice.

Nilinaw din ni Vice kung ano man ang mayroon sila ni Calvin.

“Ay hindi kami exclusively dating, hindi kami ganun,” mabilis na pahayag ng Fantastica star.