Teen actor at teen actress, nag-abutan diumano ng condom?

Mahulaan mo kaya kung sino ang blind item ng I Know Right host na si DJ Jhai Ho?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/19/2018 8:05 AM
Teen actor at teen actress, nag-abutan diumano ng condom?


Sa digital showbiz talkshow na I Know Right  noong Biyernes, November 16, may bagong blind item ang isa sa mga hosts ng show na si DJ Jhai Ho. 

“Sino itong teen actress at teen actor na nakita ng mga kasamahan nila sa isang show na nag-abutan ng condom?” bulalas ni Jhai Ho. 

Madalas din daw makita si teen actor na nag-aabot ng condom sa iba pang tao o kasamahan.  

Isa sa clues na binigay ng MOR DJ ay minsan na daw nasilipan si teen actor ng isa sa mga blinind item ng kanyang co-host na si MJ Felipe before. Isa pang clue ay kasintahan ni teen actor si teen actress.  

May hula na ba kayo? Abangan ang iba pang blind items mula kina Darla Sauler, MJ Felipe at DJ Jhai Ho sa I Know Right streaming every Friday night sa bagong IWant App.