• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez at Lea Salonga, bilib sa talent ni Jed Madela

Regine Velasquez at Lea Salonga, bilib sa talent ni Jed Madela

Regine Velasquez at Lea Salonga, todo suporta sa 15th anniversary concert ni Jed Madela.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/19/2018 8:22 AM
Regine Velasquez at Lea Salonga, bilib sa talent ni Jed Madela


Sa ulat mula sa TV Patrol, bihira mapagsama ang OPM Queens na sina Regine Veasquez at Lea Salonga sa isang interview. Ngunit nagkasama sila dahil pareho silang dumalo sa 15th anniversary concert ni Jed Madela noong Biyernes, November 16. Naging guest performer din ng gabing iyon ang Asia’s Songbird. 

READ: Bakit napre-pressure si Jed Madela kay Lea Salonga sa kanyang 15th anniversary concert?

“I remember him 15 years back. He went to one of my concerts and I heard him sing and he’s like grabe, monster,” pagbabalik-tanaw ni Regine.  

Para naman kay Lea, kailangan mas mabigyan pa ng kinang ang talent ni Jed. “It’s kind of a milestone and for somebody of his talent, he actually deserves to be an even bigger star,” pahayag nito.  

Sa kabilang banda, natanong naman si Lea at Regine kung gusto ba nilang makasama sa isang proyekto muli si Aga Muhlach. 

“Kailangan ba si Aga? Wag na… Gusto ng nanay ko Koreano,” pabirong sagot ni Lea. 

Hirit naman ni Regine, “(Mas okay yung) kumanta yung mga mas bata. Yun ang uso ngayon, [parang] Glorious.”