• Home
  • Fresh Scoops
  • MTRCB Chair Rachel Arenas nagsalita na tungkol sa reklamo sa 'Ang Probinsyano'

MTRCB Chair Rachel Arenas nagsalita na tungkol sa reklamo sa 'Ang Probinsyano'

Sinabi ng MTRCB chairperson na may napupulot namang aral ang mga manonood mula sa recent episodes ng Ang Probinsyano: 'The good always prevails.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/19/2018 5:30 PM
MTRCB Chair Rachel Arenas nagsalita na tungkol sa reklamo sa 'Ang Probinsyano'


Photo credit: @mr.cocomartin on IG

Sa panayam kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Rachel Arenas ng DZMM nitong Lunes, November 19, sinabi nitong wala sa kanilang kakayahan bilang ahensya na mapatigil sa pag-ere ang FPJ's Ang Probinsyano dahil lamang sa sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na di magandang pagsasalawaran sa mga pulis sa TV show. 

"Wala po sa poder namin yan, sunod-sunod naman po yung ano namin, since 2016 pa ang dialogue namin with them," bungad ng MTRCB Chief. 

"Nasabi rin naman po namin, kasi kaming MTRCB, hindi kami nagse-censor ... We cannot also prohibit negative depictions kasi we are sort of a bridge doon sa constitutionally protected freedom of expression, and also the right of the state to regulate," paliwanag pa niya. 

Ibinahagi din ni Rachel ang obserbasyon ng ahensya sa episodes ng Ang Probinsyano.  "Kailangang may redeeming factor o magandang value na napupulot ang mga manonood. Doon sa mga nakikita namin na past episodes, mayroon naman ding natututunan ang mga bata, na the good always prevails."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ngayong gabi sa #FPJAP3Imbestiga 📸 @caryanaclips

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 

Sinabi din ng chairperson na wala siyang nakikitang paglabag ng teleserye sa guidelines ng MTRCB. Mayroon din daw na regular na dialogue ang PNP at ABS-CBN para mapag-usapan ang mga concerns sa palabas. Ang huli nga raw na pagpupulong ay naganap noong October 17. 

"In fact, because of those dialogues, it resulted in a memorandum of understanding. That was already sent to the PNP for their comments and approval. Actually, kapag may nare-receive kami kunwari na mga reklamo o mga observation nila ay agad kaming nagse-set ng dialogue with either ABS-CBN or PNP. And the last was on October 17."
Isang meeting daw ulit ang magaganap this week sa pagitan ng MTRCB, PNP, DILG at staff ng primetime drama.