• Home
  • Fresh Scoops
  • Gina Pareño at Eddie Garcia nagbigay suporta kay Coco Martin at sa ‘Ang Probinsyano’

Gina Pareño at Eddie Garcia nagbigay suporta kay Coco Martin at sa ‘Ang Probinsyano’

Kapwa nagpahayag ng suporta ang mga veteran stars na sina Gina Pareño at Eddie Garcia para kay Coco Martin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2018 3:56 PM
Gina Pareño at Eddie Garcia nagbigay suporta kay Coco Martin at sa ‘Ang Probinsyano’


Kapwa nagpahayag ng suporta ang mga veteran stars na sina Gina Pareño at Eddie Garcia para kay Coco Martin.

Kasunod ito nang batikos na pinagdaanan ngayon ng numero unong Kapamilya series mula sa Philippine National Police.

Read: Coco Martin, bukas sa personal na pakikipag-usap kay PNP Chief Albayalde

 

“Apo, kalma lang, kayang kaya mo 'yan at saka umaarte lang naman tayo e,”pahayag ng beteranang aktres na kilalang malapit din sa aktor.

Positibo din si Gina na nauunawaan ng maraming tao ang kuwento ng Ang Probinsyano.

“Kasi talagang fiction lang naman ang ating (kuwento) kaya naniniwala ako na mauunawan ng tao 'yan,” ani ni Gina na dati nang naging guest sa palabas.

Wala namang kuwestiyon ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa pagiging isang direktor at aktor ni Coco Martin.

“Si Coco naman nagdi-direk siya doon sa (Ang) Probinsyano and he's doing a very good job,’ aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang Paborito ng Pilipinas! #FPJsAngProbinsyano Abangan ngayong gabi sa #FPJAP3Balita 📸 @coco_joyce21

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on