• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, naniniwala sa malinis na hangarin ng ‘Ang Probinsyano’

Vice Ganda, naniniwala sa malinis na hangarin ng ‘Ang Probinsyano’

Positibo din si Vice Ganda na malalagpasan ng ‘Ang Probinsyano’ ang batikos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2018 10:00 AM
Vice Ganda, naniniwala sa malinis na hangarin ng ‘Ang Probinsyano’


Photo credit to: @praybeytbenjamin IG (L)

Pagkatapos ng sunod-sunod na pagbatikos ng Philippine National Police (PNP) sa FPJ’s Ang Probinsyano, tila buhos naman ang suporta ng mga kaibigan ni Coco Martin para sa programa.

Read: SEE: Coco Martin’s response to accusations from the PNP

Isa na dito ang kilalang malapit kay Coco na si Vice Ganda na naniniwalang malalagpasan ng tumatayong creative director at bida ng numero-unong primetime Kapamilya series ang isyung ito.

“Alam mo madaling madali lang ‘yun (para kay Coco) kasi unang una marami ang sumusuporta kay Coco at sa Ang Probinsyano. Mahal na mahal ng buong Pilipinas,” pahayag ni Vice sa opening ng flagship store ng Vice Cosmetics sa Market Market.

Ayon pa kay Vice, dahil sa dami ng mga nagmamahal kay Coco, naniniwala din siya na malalagpasan ni Coco ang mga ibinabatong batikos.

“Kapit na kapit lahat ng bahay sa Ang Probinsyano, kaya ang dami nilang sandalan, andami nilang kakampi diyan,” ani Vice.

Naniniwala din si Vice na maganda ang hangarin ng Ang Probinsyano.

“Malinis ang intensyon ng Ang Probinsyano kaya matatapos at matatapos ang problemang ‘yan nang madali lang,” pahayag pa ni Vice.

Matatandaan na minsan din naging bahagi si Vice ng top rating Kapamilya series kung saan gumanap siya bilang si Ella.

Read: Coco Martin, bukas sa personal na pakikipag-usap kay PNP Chief Albayalde