• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga humingi ng tulong sa life coach: ‘I just needed another point of view’

Alex Gonzaga humingi ng tulong sa life coach: ‘I just needed another point of view’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2018 10:09 AM
Alex Gonzaga humingi ng tulong sa life coach: ‘I just needed another point of view’


Isa sa mga muling nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Alex Gonzaga @cathygonzaga muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN #alexgonzaga #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Dito, isa sa naging usapan ang pagkonsulta ni Alex sa life coach na hayagang inanunsyo ng kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga sa Tonight With Boy Abunda.

“I just needed another point of view, pero parang ano din ‘yun e, self help healing, parang self-medication mo na din siya,” tugon ni Alex sa panayam ng press sa contract signing.

Aniya, naging maganda din daw ang epekto ng pagkonsulta niya sa life coach.

“Okay naman, kasi I just needed another perspective, I just needed someone to tell me. Kasi feeling ko kapag kapamilya ko ‘yung nagsasabi sa’kin sila, parang either they are criticizing me or judging me,” sabi pa niya.

“So parang kapag kinu-kuwento mo sa kanya (coach) parang doon mo lang nare-realize na ‘Oo nga’ na doon mo lang nakikita habang kinuwento mo. Ewan ko, ang galing niya,” namamangha na kuwento ni Alex.

Sa ngayon, kabilang si Alex sa mga host ng muling pagbubukas ng Pinoy Big Brother: Otso at abala din sa nalalapit na pagsisimula ng 2018 Metro Manila Film Festival.