11 Kapamilya stars, mananatili sa ABS-CBN

Kasama sa mga nag-renew ng kanilang contracts sa ABS-CBN ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Billy Crawford at magkapatid na Alex at Toni Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/17/2018 9:32 AM
11 Kapamilya stars, mananatili sa ABS-CBN


Mananatiling Kapamilya ang labing isang dekalibreng artista matapos nilang muling pumirma ng kani-kanilang kontrata sa Kapamilya network kamakailan.

 

Kabilang dito ang aktres, TV host, at Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga na patuloy na magsisilbing host ng “Pinoy Big Brother Otso.” Ibinahagi ni Toni kung gaano siya kasaya bilang isang Kapamilya matapos nitong pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. “I feel so at home. I'm very grateful for the opportunity to still be working with ABS-CBN and, of course, to be with my sister, parang bonus lahat.” Ang nakababatang kapatid nitong si Alex Gonzaga ay pumirma rin ng kanyang kontrata sa ABS-CBN at magsisilbi ring host ng PBB.

 

 

Si Chinita Princess Kim Chiu, na isa rin sa mga host ng PBB Otso, ay nakatakdang gumawa ng teleserye at pelikula sa susunod na taon. Masayang ibinahagi ni Kim ang kanyang nararamdaman sa patuloy na pagiging Kapamilya. “It feels really good to renew your contract and sabihan ka ng mga bago mong projects. Nakaka-inspire magtrabaho at patuloy na magbigay saya sa mga tao.”

 

 

Ang singer, dancer, songwriter, aktor, at TV host namang si Billy Crawford ay patuloy na maghohost sa Sunday noontime variety show na “ASAP.” Mapapanood din siya ng kanyang fans sa mga programang “World of Dance,” “Philippine Idol,” at “Pilipinas Got Talent” na eere sa susunod na taon. Para kay Billy, isang karangalan ang maging Kapamilya. “It's always a blessing when your family still wants you. It's an amazing feeling to be part of ABS-CBN.”

 

 

Ibinahagi rin ng Kapamilya actor Gerald Anderson ang kanyang pagkasabik sa kanyang bagong teleseryeng pinamagatang “Take Life.” Gaganap si Gerald bilang isang sundalo sa nabanggit na teleserye. Feeling blessed din si Gerald na patuloy pa ring maging Kapamilya matapos ang 12 na taon mula nang maging PBB housemate siya noong 2006. “I'm just very excited, blessed, and grateful na bininibigyan pa rin ako ng opportunity to stay dito sa ABS-CBN.”

 

 

Pumirma rin ng kanyang kontrata sa ABS-CBN ang “Halik” star na si Sam Milby. Ani Sam, “I'm enjoying the role of being a bad guy.

 

 

Samantala, ang Kapamilya heartthrob namang si Arjo Atayde ay abala sa pagte-taping ng drama serye na “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ng mga aktres na sina Angel Locsin at Diamond Star Maricel Soriano.

 

 

Nasasabik na rin ang aktres na si Erich Gonzales sa mga proyektong inihanda ng ABS-CBN para sa kanya. Pinagbidahan ni Erich ang teleseryeng “The Blood Sisters” na natapos kamakailan lamang.

 

 

Ang Kapamilya actress namang si Cristine Reyes, na kasalukuyang nasa seryeng “Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos,” ay pumirma rin ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN.

 

 

Ang talent manager at Kapamilya comedian na si Ogie Diaz at “Banana Sundae” mainstay at comedian na si Jobert Austria ang kumumpleto sa listahan ng mga Kapamilya na pumirma ng kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

 

 

 

Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang chairman ng ABS-CBN na si Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, at head ng finance para sa broadcast at news and current affairs Cat Lopez.