TNT Boys, magiging regular na sa ASAP

Inanunsyo rin ng TNT Boys na magiging regular na sila sa ASAP simula sa Linggo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/16/2018 3:27 PM
TNT Boys, magiging regular na sa ASAP


Sa press conference para sa darating nilang concert na Listen: The Big Shot Concert, muling binalikan ng TNT Boys na binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez, noong unang nabuo ang grupo nila at naging viral ang guesting sa Gandang Gabi Vice.
 

 
Muling nagbigay pasasalamat ang tatlong Tawag Ng Tanghalan contenders kay Vice Ganda dahil sa opportunidad na ibinigay ng programa sa kanila. "Naipagmamalaki namin po siya, na siya (Vice Ganda) po ang dahilan kung bakit po kami nakakapunta (at nakakapag-perform) sa iba't-ibang bansa. Kung hindi po dahil sa kanya, hindi po kami magba-viral,” pahayag ng TNT Boys sa press.
 
Sa nasabing presscon din ay masaya at excited na inanunsyo ng TNT Boys na magiging regular na sila sa music variety show ng ABS-CBN na ASAP. "Sobrang saya. Gusto po naming iannounce na na magiging regular na kami sa ASAP! May mga makakasama (kaming mag-peperform) na mga stars." sabi nila.
 

 
Naghahanda na ang tatlo para sa kanilang concert sa November 30, sa Araneta Coliseum. Makakasama naman bilang guest sina Vice Ganda, Jed Madela, K Brosas, Jenine Berdin at iba pang TNT Kids contenders.